Knife

Kelot grinipuhan sa dibdib tigok

December 26, 2023 Jonjon Reyes 137 views

NAMATAY habang inoobserbahan sa Mary Johnston Medical Center ang biktimang si alyas Igme Aguilar, 40, makaraang saksakin sa dibdib ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa Plaza Moriones at N. Zamora St., Tondo, Manila noong Sabado.

Ayon sa saksi, naka puting t-shirt, maong at bullcap na puti ang yumari sa biktima.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-10:15 ng gabi nang maganap ang krimen.

Nakita pa na nag-uusap ang dalawa hanggang sa magkaroon ng pagtatalo at doon na bumunot ng patalim ang suspek saka tinusok sa dibdib ang biktima.

AUTHOR PROFILE