
Kelot dedo sa truck
DEAD-on-arrival sa ospital ang isang di-kilalang lalaki matapos mabundol ng truck habang tumatawid sa Maharlika Highway sa Barangay Sta Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas, Linggo ng madaling-araw.
Nakasuot ng puting t-shirt, maong na jeans at naka-tsinelas ang bikitma na hindi pa nakikilala hanggang ngayon.
Ayon sa pulis, 49-anyos ang biktima at kasalukuyang naninirahan sa Bgy. San Isidro, Cainta, Rizal.
Tumatawid sa highway bandang alas 4:00 ng umaga noong September 3, 2023 nang aksidenteng mabundol ng Isuzu truck dropside (ABK 1786) sa mismong sentro ng Sto. Tomas.
Agad huminto ang driver at hinintay ang pagdating ng mga otoridad.
Isinugod ng rescue team ng Sto. Tomas, Batangas ang biktima sa Laurel Memorial District Hospital sa Bgy. Santor, Tanauan City, Batangas ngunit idineklarang patay na ng attending physician na si Dr. Wehner Felix Torres.