Default Thumbnail

Kelot dedo sa pamamaril

November 28, 2022 Jonjon Reyes 251 views

DEAD on the spot ang isang 24-anyos na binata matapos pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila Lunes ng umaga.

Nabatid na ang biktima ay pawang residente ng nasabing lugar.

Mabilis namang umiskapo ang gunman at ang dalawa nitong lookout na nagsilbing “backup” sa pamamaril.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Jaime Balang kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas 10:33 ng umaga nang pasukin ng gunman ang bahay ng biktima saka ito pinagbabaril sa iba’t-ibang parte ng katawan kabilang ang kanyang ulo, bago mabilis na tumakas bitbit ang caliber 40 na baril na ginamit umano sa krimen.

AUTHOR PROFILE