KBL Pinangunahan ni Kagawad Bombie Cachapero (gitna) ng Barangay 741 sa Clevers St., Malate Maynila ang pagbubukas ng Kagawad Basketball League (KBL) Season II, na ginanap sa San Andres Sports Complex sa Malate. Photo by JON-JON REYES

KBL Season II nag-umpisa na

April 26, 2023 Jonjon Reyes 260 views

INILUNSAD ang matagumpay na Kagawad Basketball League (KBL) Season II sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila na patimpalak para sa mga punong barangay at kagawad mula sa iba’t-ibang lugar at distrito ng Maynila na may 13 koponan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Kagawad Bombie Cachapero sa mga lumahok at sa Team Asenso Manilenyo matapos na sumali sa nasabing palaro at sa mga konsehal ng nasabing lungsod sa ginanap na “exhibition game.”

Kabilang sa mga dumalo ay sina Cong. Irwin Tieng, District V Coun. Ricardo Isip Jr., District 1 Coun. Nino Dela Cruz, District 3 Coun. Terrence Alibarbar, Coun. Charry Ortega, Coun. Mon Yupangco, Coun. Jabee Hizon, at iba pang kasapi ng city council bilang pagsuporta.

AUTHOR PROFILE