Kathryn Larawan mula sa IG/@bernardokath

Kathryn humakot na ng 20M followers sa IG

December 9, 2023 People's Tonight 212 views

NAKAHAKOT na rin ng 20 million followers sa social media platform na Instagram ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Ang ‘A Very Good Girl’ actress ang ikalawang Filipina celebrity na naka-achieve ng 20M milestone sa IG.

Sinundan niya ang TV host-actress na si Anne Curtis na kamakailan lang ay nakasungkit din ng 20 million followers.

Matatandaang niyanig ni Kathryn ang buong social media matapos niyang ianunsyo ang paghihiwalayan nilang dalawa ng kanyang dating nobyo na si Daniel Padilla.

Pinagkaguluhan ng netizens ang kanyang statement na ibinahagi niya sa kanya mismong IG account. Umabot pa nga ang nasabing post sa halos six million likes.

“Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward,” saad ni Kathryn sa kanyang statement.

AUTHOR PROFILE