
KathNiel, mabubuting tao — Romnick
Hangang-hanga si Romnick Sarmenta sa reel and real-life sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Nakasama ni Romnick ang KathNiel sa seryeng 2 Good 2 Be True at dito niya nadiskubre kung paano ang dalawa sa set.
“Through the time that we’re together, nakikita namin ‘yung malasakit nila sa maraming tao, sa maraming bagay,” ani Romnick sa panayam ni Miguel Dumaual ng ABS-CBN.
Sila raw na mga katrabaho ng KathNiel ang nakakakita kung gaano kabuting tao ang dalawa.
“Hindi siya pakita lang, eh, hindi siya sa set lang, hindi siya ‘yung dahil magkakasama lang kayo,” aniya.
“Nakikita namin ‘yung consistency nila. Nakikita rin namin ‘yung hindi naman nila kailangang magmalasakit sa isang bagay na nangyari pero nakatutok sila pareho,” he added.
Kapag may nagaganap daw na hindi maganda sa set, ang KathNiel daw ang nangunguna sa pag-aasikaso.
“’Pagka may naganap, kunyari sa set, may nadinig sila na merong… hindi naman aksidente, pero medyo nasaktan sa isang set, kunyari, utility or something, ‘uy nabagsakan ng ganito si ano sa paa,’ titigil ‘yung dalawa, ‘asan siya?’
“Pupuntahan nila ‘yun, tsetsekin nila, tatanungin nila kung ano ang kailangan, magpapabili ng gamot or something.
“And this concern is, hindi nila pinapakita sa iba. Ginagawa lang nila nang kusa. And consistent sila. Ibig sabihin, hindi ‘yung ginagawa lang nila kasi nandiyan sa harap ‘yung ganito,” kwento ni Romnick.
“And I think that makes us, those people who work with them, love them more,” patuloy niya.
Para kay Romnick, ang magic ng KathNiel ang ay pagiging totoo raw ng dalawa sa isa’t isa, ang sincere na trato sa mga katrabaho at ang pagmamahal ng mga ito sa trabaho.