Lacuna1

Kasalang Bayan itinakda sa Araw ng Manila sa Hunyo 24

March 25, 2024 Edd Reyes 83 views

MAGKAKAROON muli ng Kasalang Bayan sa Maynila sa Hunyo15 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24, 2024.

Nanawagan si Civil Registry Office chief Maria Josefa Encarnacion Ocampo sa mga taga-Maynila na gustong magpakasal na magtungo sa kanilang tanggapan kung nais nilang maging legal ang kanilang pagsasama.

“Ito po ay libre, kung sino po ang gustong sumali maaaring magsadya sa aming opisina. Lahat po libre singsing, belo, pati po handaan sagot po ni mayora,” sabi pa ni Ocampo.

Pabirong sinabi ng alkalde na hindi lahat libre sa Kasalang Bayan.

“Nakalimutan niyang banggitin na dalawang bagay ang hindi namin sagot, kasi sabi niya libre lahat.

Yung papakasalan hindi namin sagot yun at yung honeymoon,” pahayag ng alkalde.

Dalawa ang gaganaping libreng kasal–isa sa Manila Cathedral para sa church wedding at ang isa sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kung saan ang alkalde mismo ang magkakasal.

“Ito po ay isang paraan para mahikayat po natin ang ating mga kababayan na makapagpakasal, hindi lamang po para sa kanila, kundi para na rin sa kanilang mga anak,” sabi pa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan.

AUTHOR PROFILE