
KaladKaren at British husband muling nagkaayos
ALL is well that ends well sa pagitan ng couple na sina Jervi Wrighton (popularly known as KaladKaren) and Luke Wrightson matapos mapabalita na nagkaroon umano ng problema ang mag-asawa.
Nahinto ang maling speculations ng marami nang makitang sumunod sa Los Angeles, California, USA si Luke kung saan dumalo si KaladKaren sa 2nd Manila International Film Festival.
Inamin ni KaladKaren na just like other couples, hindi umano perfect ang kanilang pagsasama because they carry a long-distance relationship. Sa London naka-base si Luke at doon din ang kanyang trabaho habang nasa Pilipinas naman ang work ni Jervi (KaladKaren) at pareho umano sila naga-adjust to make the relationship work. Kapag may time si Jervi ay siya ang lumilipad patungong London and vice versa.
Si Jervi ay segment host ng “Frontline Pilipinas” ng TV5.
Just recently, the couple introduced their new `baby’ na si Pony, their fur baby.
The couple met in Hong Kong na nauwi sa kanilang engagement in 2020 at pagpapakasal nung nakaraang September 8, 2024 sa Scarborough, North Yorkshire, England.
Si Jervi or KaladKaren ay nagtapos ng Broadcast Communication magna cum laude sa University of the Philippines in Diliman, Quezon City where he was also discovered nung 2016 during the presidential elections bilang bahagi ng isang political satire. Doon siya unang nakilala as KaladKaren dahil ginaya niya ang kilalang TV broadcaster na si Karen Davila.
Bago ang pandemic, si KaladKaren ay naging bahagi ng morning show ng ABS-CBN, “Umagang Kay Ganda.” Siya rin ang napiling mag-host ng “Pilipinas Got Talent” Exclusives, The Voice Kids Digi TV, The Voice Teens Digi TV at naging mainstay rin siya ng “I Can See Your Voice” hosted by Luis Manzano. Naging resident judge din siya ng Drag Race Philippines. Nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020, she moved to TV5 at nung June 2023 ay nagsimula siyang maging showbiz and trivia segment host ng “Frontline Pilipinas” ng TV5.
Although sa ABS-CBN siya nakilala at nahasa sa kanyang hosting job, taong 2011 pa siya nagsimula sa showbiz nang siya’y mapabilang sa comedy-horror anthology ng GMA (as Jervi Li), ang “Spooky Night: Bampirella” kung saan niya kasama sina Marian Rivera, Mikael Daez at Gelli de Belen.
Sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival nung 2023 ay tinanghal siyang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Here Comes the Groom”.
Gabbi nagulat nang ipasok bilang housemate sa PBB
SI Gabbi Garcia ay isa sa hosts ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Collab” ng ABS-CBN at GMA. Although sinabi na sa kanya na papasok din siya bilang housemate, wala umano siyang idea kung kailan ito mangyayari kaya nabigla siya nang siya’y papasukin ni Big Brother sa kanyang bahay nang hindi niya inaasahan.
Unang pumasok sa PBB house as housemate si Mavy Legaspi na isa rin sa mga host pero nakalabas na ito.
Since pare-pareho nang naka-experience ang ibang hosts na sina Bianca Gonzales, Robi Domingo, Melai Cantiveros at Alexa Ilacad sa loob ng PBB house, kailangang ma-experience din ito ng mga bagong host na sina Mavy at Gabbi para lubos nilang maunawaan ang pakiramdam ng isang housemate.
Very supportive naman sa kanya ang kanyang longtime boyfriend na si Khalil Ramos na kasamahan din niya sa Sparkle GMA Artist Center.
Samantala, magsisimula na ngayong Lunes ng gabi, March 24 ang murder-mystery series ng GMA, ang “Slay” kung saan kabilang si Gabbi bilang isa sa lead stars along with Mikee Quintos, Ysabel Ortega at Julie Anne San Jose.
Naging kontesero muna bago naging film producer
BIHIRA ang nakaaalam na ang TV personality at young film producer na si Richard Juan (or Richard Hwan),32, ay nagsimula sa pagiging contestant sa isang segment ng noontime show na “Eat Bulaga,” ang “You’re My Foreignoy” kung saan siya ang nagwagi ng Dabarkads’ Choice Award. Naging housemate din siya ng reality show na “Pinoy Big Brother: 737” nung 2015 bago siya naging TV presenter.
Si Richard ay co-founder ng mga kumpanyang Two Infinity Entertainment at 28 Squared Studios na siyang nag-produce ng pelikulang “Under Parallel Skies” na tinampukan ng Thai actor na si Win Metawin (Metawin Opas-iamkajorn) at Filipino actress na si Janella Salvador na pinamahalaan ni Sigrid Andrea Bernardo.
Although sa ibang bansa siya lumaki at nag-aral up to high school, siya’y nagtapos ng college sa University of the Philippines (Diliman, QC) kung saan siya kumuha ng Broadcast Communications.
‘ He is a permanent resident ng Hong Kong but still holds his Filipino citizenship. A multi-lingual person, Richard speaks English, Cantonese, Filipino, Mandarin and Hokkien. Naging host siya noon ng ABS-CBN + Action’s University Athletic Association of the Philippines at iba pa.
Bagong pamilya inspirasyon ni Tom
ANG kanyang 8-month old son na si Korben sa kanyang non-showbiz partner ang source of inspiration ngayon ng Fil-Am Kapuso singer-actor na si Tom Rodriguez.
Si Tom ay ex-husband ng Kapuso actress na si Carla Abellana na ilang buwan lamang tumagal ang pagsasama at agad nauwi sa hiwalayan.
Hindi ikinakaila ng singer-actor na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa hiwalayan nila ni Carla kung kanino siya divorced na ngayon. Pero nakapag-move on na umano siya and looking forward to a brighter future with his new family.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.