Sharon

Sharon ipinabubura ang mahahabang peklat sa braso

March 23, 2025 Vinia Vivar 213 views

Sharon1Sumailalim kamakailan si Sharon Cuneta sa scar removal sa kanyang dalawang braso.

Sa video na ipinost ng celebrity doctor na si Aivee Teo sa Instagram ay mapapanood ang prosesong ginawa niya sa Megastar.

Makikita nga rin dito ang dalawang mahahabang scars ni Shawie sa magkabilang braso.

Nagkaroon ng mahabang peklat si Mega sa dalawang braso dahil sa arm tuck naman na ginawa sa kanya na inamin niya in an interview late last year.

Ayon nga sa isang medical website, “An arm tuck, also known as a brachioplasty or arm lift, is a cosmetic surgery that reshapes the underarm region by removing excess skin and fat, tightening the remaining tissue, and improving the overall appearance of the upper arms.”

Ginagawa ang arm tuck “to address sagging or loose skin and fat on the underside of the upper arms, often resulting from aging, significant weight loss, or genetic factors.”

Dahil nga pumayat na si Sharon ay nagkaroon na ng loose skin ang kanyang mga braso kaya ipinatanggal niya ito na nagdulot naman ng mahahabang scars.

Sa video ni Dra. Aivee ay ipinakita nga ni Sharon ang scars na nais niyang ipatanggal sa celebrity doctor.

“That’s the one, my surgery — when we removed skin,” aniya.

“Imagine ang laki ng excess skin d’yan na tinanggal,” sey pa niya.

Sa video ay ipinakita’t in-explain ni Dra. Aivee ang proseso ng scar treatment na ginawa niya kay Shawie.

“Of course, when you do an arm tuck, medyo may scar. So, what we’re gonna do is we’re gonna inject which is good for treating scars or mga surgical scars,” paliwanag ng dermatologist.

DINA PATULOY NA NAGDADALAMHATI

Kasalukuyan pa ring nagdadalamhati si Dina Bonnevie sa pagyao ng kanyang mister na si Victor “DV” Savellano, who passed away last January.

Sa latest Instagram post ni Dina ay ibinahagi niya ang kanyang buhay ngayon matapos ang pagpanaw ng kanyang asawa at makikita nga sa kanyang mga pahayag na she’s really having a hard time.

“Just when I thought …‘ is this the part of grieving that they say gets really depressing and lonely?’” simula ni Miss D.

“When it is so quiet, you’re alone in your thoughts and reminiscing the past years and wishing that you did what you could have done, but have not, and wishing your spouse didn’t have to leave so soon?” patuloy niya.

Sinabi rin niyang lagi lang niyang kausap si God sa kanyang kwarto at humihingi ng guidance. Hanggang ngayon daw ay marami pa rin siyang tanong, kabilang na kung kailan ba niya magagawang tumawang muli.

“I was talking to God and asking Him so many questions on guidance, my future, my purpose and when I would laugh to my heart’s content again. Wishing I could smell the flowers and bask in His beautiful creations once again,” aniya.

Tila dininig nga raw ng Diyos ang kanyang mga dasal dahil biglang may ipinadalang gifts ang kanyang mga kaibigan na nagpasaya sa kanya at nagpaiyak at the same time.

“Suddenly these wonderful things were brought up to my room!! These brought tears to my eyes realizing God heard me and that the people I least expect to spend for me did make an effort to gift me with these precious gifts!!” aniya.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng aktres ang surprise gifts na natanggap kabilang na ang paborito niyang bulaklak na tulips.

Makikita rin ang isang journal book na may titulong “Dalamhati A Guided Grief Journal.”

Aniya, “I haven’t received tulips since my husband passed and these are my favorite flowers!! Thank you for this journal as well so I can record my conversations with God.”

Nagpasalamat siya sa mga kaibigang nagpa-smile na muli sa kanya.

“To dear Via, Imie, Christel and Meldie THANK YOU SO MUCH!!! I LOVE YOU ALL!!! Thank you for making me smile again! Most of all, thank you God for answering my prayers! To God be the Glory!” ang mensahe ng pasasalamat ni Dina sa mga kaibigan.

Matatandaang sa isang post ng aktres ilang linggo matapos ang pagpanaw ni DV ay sinabi niyang napakasakit para sa kanya ng nangyari at inaming kinuwestiyon niya ang Diyos kung bakit ang asawa niya ang kinuha at hindi na lang siya.

“So why then did I have to be left behind? What did God want me to do, and where did He want me to be? Couldn’t I still fulfill my purpose with my husband? What did I still have to do without a spouse?” bahagi ng pahayag ni Dina.

AUTHOR PROFILE