Default Thumbnail

‘Kadiwa ng Pangulo’ ihahandog sa Labor Day

April 29, 2023 People's Tonight 202 views

BILANG handog sa mga Pilipinong manggagawa, magtatayo ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 27 “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa” outlet sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa (Labor Day) sa Mayo 1.

Ang Kadiwa ang nagiging daan upang direktang maibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga mamimili ng walang tagapamagitan. Ito rin ang mainam na paraan upang kumita ng mas malaking tubo mula sa mga de-kalidad at abot-kayang presyo ng produkto na kanilang iniaalok sa mga mamimili.

Makakabili ang mga Pilipinong manggagawa ng mga produkto mula sa 606 negosyo at 1,223 tindero sa mga Kadiwa sites sa buong bansa.

NCR – SMX Convention Center, Pasay City (Abril 30)

CAR – Ibaloi Heritage Garden, Burnham Park, Baguio City (Abril 27-30); Baguio Convention Center (Mayo 1)

Region 1 – Farmer’s Livelihood Development Center, Vigan City, Ilocos Sur (Mayo 1); CSI Atrium, Lucao, Dagupan City, Pangasinan (Mayo 1)

Region 2 – SM City Tuguegarao – Bgy. Caritan Norte, Tuguegarao City, Cagayan (Mayo 1-2)

Region 3 – Convention Center, Motorpool, Sapang Palay Proper, City of San Jose Del Monte, Bulacan (Abril 19); Astro Park, Balibago, Angeles City, Pampanga (Mayo 1-2); Administration Building Parking Area, Freeport Area of Bataan, Mariveles, Bataan (Mayo 1-3)

Calabarzon – Ynares Center, Provincial Capitol Compound, Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal (Mayo 1)

MIMAROPA – Provincial Capitol Complex, Calapan City, Oriental Mindoro (Mayo 1)

Region 5 – Ayala Malls, Rizal St. Corner Quezon Ave. Kapantawan, Legazpi City (Mayo 1)

Region 6 – Molo Plaza, Iloilo City (Abril 25); Robinsons Place Iloilo (Mayo 1)

Region 7 – Mactan Economic Zone 1 (Abril 20-23); Robinsons Galleria, Cebu City (Mayo 1); HPG Area, Lamberto Macias Compound, Dumaguete City, Negros Oriental (Mayo 1)

Region 8 – Tacloban City Convention Center (Mayo 1)

Region 9 – Rizal Street, Zamboanga City (Abril 28); Covered Court of Zamboanga Peninsula Polytechnic University, Zamboanga City (Mayo 1)

Region 10 – SM CDO Downtown Premier (Mayo 1-5)

Region 11 – Rizal Park- Poblacion District, Davao City (Mayo 1-2); ALU Southern Mindanao Regional Office-Roxas Ave., Davao City (Mayo 1); TADECO- Panabo City, Davao del Norte (Mayo 16)

Region 12 – City Gymnasium, Kidapawan City Hall Compound, Cotabato Province (Mayo 1)

Caraga – Almont Inland Resort, Butuan City (Mayo 1)

Ilan sa mga produktong mabibili sa Kadiwa ay gulay; prutas tulad ng saging, mangga, at pinya; bigas; sariwa, tuyo at smoked fish; processed Bangus; mga produktong karne; itlog; asukal; at dairy products.

Ang iba pang produktong ibinebenta sa Kadiwa ay Ilocos delicacies; cacao products; banana chips; siomai; longganisa; vinegar; crab paste; pickled vegetables; processed garlic; chili flakes; noodles; at bagoong.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay sa pakikipag-tulungan ng Office of the President, Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba’t-ibang lokal na pamahalaan.

AUTHOR PROFILE