Default Thumbnail

Kaalaman, kahandaan ang susi sa kaligtasan

November 9, 2022 Erwin Tulfo 392 views

TulfoNAKAGAGALAK at may mga pribadong kumpanya na nagsasagawa ng earthquake at fire drill.

Dapat isulong ang disaster risk awareness at patuloy na sanayin ang mga tao sa tamang pagresponde sa mga emergency situation o kalamidad.

May mga nagtanong, pwede ba raw mangyari sa Metro Manila ang gaya ng paglindol sa Abra na intensity-6.7?

Dalawang ulit nang lumindol doon nitong taon bukod pa sa tinamaan sila ng pagbagyo sa Northern Luzon regions.

Ayon sa mga eksperto, posibleng tumama ang “the Big One” sa Metro Manila o kahit saan dahil ang ating bansa ay kabilang sa tinatawag na “Ring of Fire.”

Napakarami kasing mga bulkan ang nasa bahaging ito ng mundo.

Ang lalawigan ng Abra rin ang epicenter ng magnitude-7 na naganap na lindol noong 1990 at dumurog sa maraming gusali sa Baguio City at kumitil ng higit 1,600 katao.

Kahit saan lugar sa ating kapuluan ay maaaring makaranas ng the Big One tulad ng intensity 7.2 na tumama sa Bohol island noong Oktubre 2013.

Dapat kabisado ng bawat isa sa atin kung ano ang mga tamang hakbang sa pagkakataon ng paglindol, sunod, super typhoon, landslide at malawakang pagbaha.

Sa anumang kaganapan ng life and death situation, lagi nating tandaan na unahin iligtas ang sarili para makapagliligtas ng ibang tao.

Nitong nakaraang linggo ay ating ginunita ang ika-9 na anibersaryo ng trahedya ng supertyphoon Yolanda na sumalanta sa Tacloban City, Leyte at Samar provinces.

Pinangunahan ni President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang pagbibigay galang sa mga nasawi na aabot sa 10,000.

“If you remember during the count of the casualties, the count was stopped, and we knew that there were still thousands out there. And for those thousands, those countless thousands, we come here, we commemorate,” sabi ni PBBM.

Makaraan ang Yolanda, ipinahayag ng gobyerno na 6,300 ang namatay ngunit libu-libo pa ang nawawala na nilamon ng malalaking alon.

Pinuri ni PBBM ang mga survivors and international donors sa matagumpay na rebuilding ng Tacloban City na nagbibigay ng inspirasyon sa lahat ng Filipino.

“It is a wondrous sight to see. It always gives us hope that even if there are tragedies and disasters in other places, we know that the Filipino spirit will never be quelled. The Filipino spirit will always burn bright and bring back normal life to their communities. That is what we commemorate,” sabi ni PBBM.

Namahagi ng cash aid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), gayundin ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Kahit hindi natin mapipigilan ang earthquakes, super typhoons at volcanic eruptions, maaari natin paghandaan ang pagtama ng kalamidad upang pagaangin ang pinsalang maidudulot nito.

AUTHOR PROFILE