Julia

Julia, safe at secure sa relasyon kay Gerald

September 17, 2022 Vinia Vivar 393 views

Gerald

Once and for all ay nilinaw ni Julia Barretto na sila pa rin ni Gerald Anderson at hindi sila nag-break tulad nga ng mga naglalabasan nitong mga nakaraang araw at linggo.

Ayon kay Julia sa panayam sa kanya sa vlog ni Karen Davila, every month ay may ganyang balita tungkol sa kanila ni Gerald.

“But no, we haven’t broken up. And I think, that’s the sign na you know, we’re really able to protect our relationship and keep it private,” sey ni Julia.

Asked kung gaano ka-seryoso ang kanilang relasyon, natatawang bulalas ni Julia, “Oh, my God Tita! Oh, my God!”

And then, she answered, “Serious, I would say. I do feel safe in this relationship.”

Tinanong din siya kung nagtitiwala ba siya kay Gerald na hindi siya sasaktan nito at sagot ng aktres, “I don’t think I’ll get into a relationship with somebody na I don’t trust. So I do trust him, and you know, he shows me that every single day. There’s just no reason for me to doubt.”

Natanong din kung magpapakasal na ba siya soon at ani Julia ay darating din naman ang bagay na ‘yun.

“I don’t think that’s up to me but I think that’ll come at the right time. But I do feel very secure rin in the relationship we have and I’m really happy, Tita. So, I don’t have anything to worry about,” pahayag ng bida ng Expensive Candy ng Viva Fims na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

Sa tanong kung ano ang ikinaiba ni Gerald sa iba niyang nakarelasyon, sagot ni Julia, “The sense of security that I have, the sense of calm that I have.”

She added, “His kindness has really grounded me, Tita, and has really motivated me to become a better person. He’s created such a safe and healthy environment in my life, so I feel good.”

ANDREA, ‘THE ONE’ NI RICCI

Si Andrea Brillantes na raw ang “the one” para kay Ricci Rivero.

Sinabi ito ng basketball heartthrob sa kanyang panayam sa The Interviewer Presents YouTube channel ni Boy Abunda.

“I think siguro, yes,” seryosong sagot ni Ricci nang tanungin nga siya ni Kuya Boy kung si Andrea na ba ang ‘the one.’

Napag-usapan din nila ang kontrobersyal at memorable proposal ni Ricci kay Andrea last April sa basketball court kung saan nga ay tinanong niya ang aktres kung pwede niya itong maging girlfriend.

Sinagot ito ni Andrea ng “yes” at doon na officially nag-start ang kanilang relasyon.

Ayon kay Ricci ay talagang matagal na niyang pinaplano ang proposal pero hindi raw niya alam kung kailan niya maisasagawa.

He explained na kumbaga sa baril ay matagal na siyang nakakasa.

First time raw niyang ginawa ang ganu’n na isapubliko ang kanyang panliligaw kaya natanong ni Kuya Boy kung bakit siya nag-decide to make it public.

In fairness, nakakakilig ang sagot ni Ricci.

Aniya, “Siguro, Tito Boy, sa akin, ‘yung gusto ko lang din talagang mapa-feel du’n sa tao na, ‘di ba, alam mo ‘yun, parang proud ka, ‘yung ganu’n.”

Sey ni Kuya Boy, “You must be so in love with her!”

Sagot ni Ricci, “Opo, Tito Boy.”

Kwento pa ng UP Fighting Maroons player, sobrang mixed emotions talaga siya that time.

“Grabe ‘yung kaba, grabe ‘yung excitement and all. Pero ang nangingibabaw lang talaga is buo na ‘yung loob ko na gagawin ko siya no matter what,” sey ni Ricci.

Asked kung paano sila nagkakilala, aniya ay through a common friend.

Pero prior to that, siyempre ay kilala na niya si Andrea at nakita na rin niya pero hindi raw siya kilala ng aktres.

AUTHOR PROFILE