Juday

Juday na-miss gumawa ng teleserye

March 13, 2024 Vinia Vivar 81 views

Halatang na-miss ni Judy Ann Santos ang paggawa ng teleserye base sa ipinost niyang video ng first taping day niya for her upcoming series, The Bagman.

Sa video ay mapapanood ang pagdating ni Juday sa ABS-CBN compound kung saan ang kanyang first taping day.

“First shooting day of The Bagman,” aniya.

Halatang masayang-masaya ang aktres sa muling pagtuntong sa compound at binati pa niya ultimo mga guwardiya na matagal nang hindi nakita.

“I’m back,” sey ni Juday sa camera habang pumapasok sa dressing room.

Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang mga bulaklak bilang pag-welcome sa kanyang pagbabalik.

“Ang daming flowers!” bulalas niya.

“After Starla, ‘eto na ulit. I am back with ABS-CBN,” she said.

Ang Starla ang huling teleseye ng aktres na inere noong 2019 sa Kapamilya network.

Sa The Bagman ay ginagampanan ni Juday ang papel ng Presidente ng Pilipinas.

“Ganito pala pakiramdam ng isang Presidente, may taga-payong, may mga naka-shades na bodyguards,” masayang wika ni Juday bago mag-taping.

Ang The Bagman ay spin-off ng successful series na Bagman starring Arjo Atayde.

Siya rin ang bibida sa bagong serye, reprising his role as Benjo Malaya.

Aside from Arjo and Juday, kasama rin sa upcoming series sina John Arcilla, Tirso Cruz III, Ryan Eigenmann, Charlie Dizon, Gela Atayde at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE