Rabiya

RABIYA UMAMING NAHIRAPAN KAY JERIC

March 13, 2024 Vinia Vivar 82 views

Inamin ni Rabiya Matteo na nahirapan siya noong una sa relasyon nila ng kapwa-Kapuso star na si Jeric Gonzales.

Ayon sa beauty queen/actress sa panayam ni Boy Abunda, hindi niya alam kung sino ang paniniwalaan between Jeric and the people’s opinions.

“First time kong mag-date ng celebrity and minsan kapag celebrity din ‘yung dine-date mo, ang daming opinyon, ang daming sinasabi about him and at first, I was shaken about it.

“Parang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabi ni Jeric o ‘yung sinasabi ng mga tao about him kasi ibang-iba, eh,” sabi ni Rabiya.

At the end of the day, nanaig pa rin ang pagmamahal ng dalaga kay Jeric at mas pinili niyang paniwalaan ang boyfriend kaya hanggang ngayon ay going strong pa rin ang kanilang relasyon.

“Kasi nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa akin at ipinaramdam niya ‘yun sa akin. I’m sure marami rin sinasabi ang mga tao about me kay Jeric,” sey ni Miss Universe Philippines 2020.

For her part, ipinapakita rin niya kay Jeric kung gaano niya naa-appreciate ang mga ginagawa nito sa kanya para ipakita ang pagmamahal.

“Ako, aside from communication, siguro Tito Boy, kailangan mo rin… ako, bilang babae, I need to be appreciative ng efforts, kasi minsan ‘yung mga lalaki marami na silang ginagawang effort, hindi lang natin napapakita na naa-appreciate natin sila,” saad ni Rabiya.

Kung matatandaan ay nagkahiwalay nang minsan sina Jeric at Rabiya dahil sa mga lumalabas na mga negatibong tsismis sa aktor.

Sey ni Rabiya, one week lang tumagal ang kanilang paghihiwalay dahil nagkausap sila nang masinsinan kaya naayos ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

AUTHOR PROFILE