
Juday at iba pang celebs, dinamayan si Sharon
Ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ang nararamdaman ngayon. Ayon sa Megastar, sobrang lungkot niya.
“I have not been this lonely in years… and right after the new year came in, right after my birthday…,” ang IG post ni Sharon.
Marahil ay may kinalaman ito sa naunang post ng Megastar kung saan ay sinabi niya na nagpositibo nga ang mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan sa COVID-19.
Nagpa-RT PCR test silang lahat at habang hinihintay ang resulta ay naka-isolate sila nang hiwa-hiwalay sa iba’t ibang parte ng kanilang bahay.
Dumagsa naman ang suporta at pagmamahal ng kanyang mga kaibigan at fans sa social media.
Mensahe ni Judy Ann Santos, “Everything will be fine ate…”
Nag-iwan naman ng praying hands emoji sina Vina Morales, Gretchen Barretto at Arlene Muhlach.
Positibo naman ang fans ni Shawie na malalampasan din nito ang pinagdadaanan being the strong woman that she is.
BEAUTY QUEEN, SUMABAK NA RIN SA PAGPAPASEKSI
Tulad nina Kylie Versoza at Cindy Miranda, sumabak na rin sa pagpapa-sexy ang beauty queen na si Janelle Tee, Miss Philippines Earth 2019.
Isa si Janelle sa mga bida sa Vivamax offering na Kinsenas, Katapusan kasama sina Ayanna Misola, Angela Morena, Jamilla Obispo, Kier Legaspi at Joko Diaz.
Ayon kay Janelle, nagdesisyon siya na palawakin ang kanyang pagiging aktres at hindi ‘yung nakakahon lang.
“Minsan, ‘pag beauty queen, parang nakakahon ka, eh. Nakakahon ka sa ganitong role lang, kailangan, best friend ka ni ganito, maganda ka lang, ganyan-ganyan.
“So, parang I really wanna be serious in this craft. So, yeah, I’m very grateful for the opportunity as well na ‘eto na, ready na tayo,” ani Janelle sa digicon ng Kinsenas, Katapusan.
Noong una ay tinatanong din daw niya ang sarili niya kung kaya niya ba talaga ang magpa-sexy.
“’Yung mindset and perspective ko talaga ang ni-ready ko. Parang ‘kaya ko ba ‘to?’ But thankful din ako, of course, with Kylie and Cindy that, you know, paved the way na beauty queens like us can be serious actresses as well,” she said.
Asked kung approved na ba ito ng kanyang mommy at sey niya, “Kinausap ko na po. Of course, it’s a process.”
Pero siyempre, may mga limitation pa rin daw siya sa mga intimate scene.
Streaming na sa Feb. 4 sa Vivamax ang Kinsenas, Katapusan mula sa direksyon ni GB Sampedro.