Joey

Joey, ’di akalaing pag-aawayan, pag-aagawan ang inimbentong ‘Eat Bulaga’

June 12, 2023 Ian F. Fariñas 398 views

HANGGANG ngayon ay hindi makapaniwala ang Henyo Master na si Joey de Leon na darating ang panahon na pag-aagawan, pag-aawayan at may mag-aangkin sa inimbento niyang titulo ng ngayon ay longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga.

Sa Instagram post ng batikang TV host-comedian kahapon, sinabi niya na, “Noong maisip, binuo at imungkahi ko ang pangalang Eat Bulaga para sa aming palabas nu’ng 1979, naramdaman kong kahit ito ang napili at tinanggap ng marami sa namumuno, matagal-tagal ding ninamnam ito hanggang sa tumining; wari bang isang aampunin na may ibang tunog at kaiba sa paningin. Tila ba kailangan mong masanay lunukin. Aakalain ba nyong makalipas ang 44 na taon o halos LIMANG DEKADA, ang pangalang ito ay pag-aawayan, pag-aagawan at marami ang nais na umangkin?!”

AUTHOR PROFILE