Diego, nakabawi na sa puyat
DAHIL nasa Perth, Australia, via Zoom lang dumalo kahapon si Diego Loyzaga sa mediacon ng latest movie nila ni Julia Barretto na Will You Be My Ex? para sa Viva Films.
Maulan man, physically present sa mediacon sina Julia, Bea Binene at Direk Real Florido.
Kaya naman kahit gusto siyang uriratin ng entertainment press tungkol sa “best birthday gift ever” post niya sa Instagram kamakailan kung saan karga-karga niya ang sinasabing baby niya, hindi sila nakakuha ng sagot kay Diego dahil na rin sa mahinang signal at grabeng sound delay.
Ang unang tanong ay kung nakapag-adjust na ba siya sa pagiging new dad at sa pagpupuyat sa pag-aalaga sa sanggol na tinawag ng mommy niyang si Teresa Loyzaga na “Pochola.”
Dahil nga sa sound delay at mahinang signal, hindi niya gaanong naintindihan ang tanong kaya nagkwento na lang ang aktor kung kumusta na siya ngayon.
“Last night was a celebration for Philippine Independence Day. So, happy Independence Day to everybody out there. It was a really big celebration here in Perth. It was in a big hotel and I was part of it. So, yeah, we went out and aside from that, yeah, other reasons why lagi akong puyat lately. So these eyebags, pinaghirapan ko po ‘yan. But yeah, I’m doing good. Thanks for asking. Nakatulog na ako, salamat.”
Samantala, ang Will You Be My Ex? ay magsisimula nang mapanood sa mga sinehan nationwide sa June 21.