Jowapao

JoWaPao, nakakita ng pag-asa sa pagsunod ng advertisers

June 11, 2023 Vinia Vivar 180 views

Sa paglipat ng Eat Bulaga sa TV5, hindi lang ang main hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon (TVJ) at buong Dabarkads ang kasama kundi pati pala ang mga advertiser ng noontime show.

Sa panayam sa JOWAPAO (Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros) ni MJ Marfori sa programang Sa Totoo Lang, labis-labis ang pasasalamat ng tatlo na hindi sila iniwanan ng mga advertiser.

“Unang-una po nagpapasalamat kami at talagang mula doon sa Bulaga, sa show namin dati, tapos ngayon, nawala, sumama sila,” sabi ni Jose.

Aniya ay napakalaking bagay talaga sa kanila ang suporta ng advertisers sa kanilang pagsisimulang muli.

“Napakasaya dahil hindi ka na mamomoroblema sa paglipat mo (kung) sa’n ka kukuha ng (advertisement),” sey ni Jose.

Hirit naman ni Paolo, “Nakakatuwa. Mas nakakatuwa kung naramdaman natin sa bahay natin, chariz!”

Sabi naman ni Wally, “Nakakatuwa. After that siyempre na parang mangha, tapos ayun, bigla kang nakakita ng pag-asa. Kasi marami nagsimpatya, tapos ngayon meron nang tahanan. Nakakakita ka na talaga ng liwanag na magkakatrabaho na ulit.”

Asked kung anong title ng show ang gusto nilang gamitin kung bibigyan sila ng pagkakataon, ayon sa JOWAPAO, siyempre ay Eat Bulaga pa rin.

Sa huli ay nagbigay sila ng mensahe sa supporters at avid viewers ng Eat Bulaga na sana ay samahan sila at suportahan pa rin sila sa kanilang pagsisimula sa bagong tahanan.

DADAYO SA REGIONS

Uulan na naman ng kasiyahan handog ng GMA Regional TV dahil muling dadayo sa regions ang ilan sa paboritong Kapuso stars.

Tiyak na lalong magniningning ang candidates ng Miss Iriga Rinconada Bicol Tourism 2023 na gaganapin ngayong Linggo (June 11) sa Iriga City Sports Center, Iriga City dala ng inspirasyon mula sa darayong Kapuso stars.

Maghahandog ng powerful at entertaining performances sina Julie Anne San Jose at Ken Chan.

Sina Martin Javier at Sophia Señoron naman ang magsisilbing hosts ng pageant.

Bukas, Lunes (June 12), makikisaya ang stars ng Voltes V Legacy na sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Martin del Rosario at Liezel Lopez sa selebrasyon ng 66th Silay Charter Day Anniversary sa Silay City Public Plaza Covered Court, Silay City, Negros Occidental.

Kinabukasan (June 13), makiki-volt in din sina Miguel, Radson at Martin sa selebrasyon ng Toboso Fiesta 2023 sa Toboso Municipal Grounds, Toboso City, Negros Occidental.

Kasama pa sa paghahatid ng surprises at good vibes ang Hearts on Ice stars na sina Ashley Ortega at Roxie Smith.

AUTHOR PROFILE