
Jodi game sa fake news hearing
Suportado ni Jodi Santamaria ang ‘fake news’ hearing na isinasagawa ngayon ng Tri House Committee sa Kongreso.
In fact, kung maiimbitahan daw sya sa hearing ay willing siyang dumalo.
“Kung ano siguro ‘yung maitutulong ko, kung sa palagay nila, importante ‘yung boses ko at ‘yung sasabihin , bakit naman hindi?” sey ng aktres kahapon sa mediacon ng upcoming horror flick niya na “Untold” under Regal Entertainment.
Dagdag pa niya, para naman daw ito sa ating mga kababayan.
“Tulad nga ng sabi ko kanina, wala namang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Lahat tayo, mayroon tayong responsibilidad para sa isa’t isa,” sey niya.
Agree rin ang aktres na dapat ay may batas tayo para sa mga fake news peddlers. Pero mahalaga pa rin daw na paalalahanan ang lahat ma mag-fact check muna bago paniwalaan or i-share ang anumang impormasyon sa internet.
Samantala, panay ang smile lang ni Jodi kapag nauungkat ang kanyang love life.
Ever since naman talaga ay very private ang aktres when it comes to her personal life.
Pero ang nakakatuwa ay nadulas ang co-star niya na si dating Miss Universe Gloria Diaz at ibinuking si Jodi na in-love ngayon.
Pero “well” lang ang reaksyon ni Jodi rito sabay-smile.
Samantala, ang “Untold” ay 1st horror film ni Jodi sa Regal Entertainment at 1st time rin nilang nagkatrabaho ni Gloria D.
Showing na ngayong April 30 ang “Untold” mula sa direksyon ni Derick Cabrido.
Kasama rin sa cast sina JK Labajo, Joem Bascon at marami pang iba.
ASHLEY INULAN NG PAGMAMAHAL
Ramdam na ramdam ni Ashley Ortega ang pagmamahal ng mga sumuporta sa kanya sa loob ng #PBBCelebrityCollabEdition house.
Bilang pasasalamat, nag-upload si Ashley ng isang espesyal na video para sa kanyang mga supporter.
Sa video, ipinahayag ni Ashley ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga hindi tumigil na sumuporta sa kanya. Talaga namang hindi matitinag ang pagmamahal ng fans kay Ashley.
Sa Instagram account naman ng Sparkle Artist Center, inulan ng pagmamahal ang comment section para kay Ashley.
MELANIE AT WINWYN SABIT SA MV NI MICHELLE
Sa pagtatapos ng International Women’s Month, inilabas ni Miss Universe Philippines 2023 at Sparkle artist Michelle Dee ang official music video ng kanyang debut single na Reyna noong March 29 sa kanyang YouTube channel. Ang kantang ito ay tungkol sa empowerment, confidence, at self-love, na agad tinangkilik ng kanyang mga fans.
Hindi lang basta performance ang ipinakita ni Michelle sa video. Makikita rin dito ang kanyang inang si Melanie Marquez (Miss International 1979) pinsang si Winwyn Marquez (Miss Universe Philippines Muntinlupa 2025) na nagbigay ng special na highlight sa video.
Sa huling bahagi, naglakad sila suot ang kanilang bold red outfits na nagbigay ng lakas at ganda sa music video.
Ayon kay Michelle, inanyayahan niya ang kanyang ina upang makiisa sa shoot, at ibinahagi ni Melanie na proud siya sa kanyang anak.
Masaya naman si Winwyn sa karanasang iyon at inalala ito bilang isang espesyal na moment.
Ang “Reyna” ay ang unang collaboration ng Star Music at GMA Music.