
Jill at Julian, nagtulong sa campaign song ni Jinggoy
MAY personal touch pala ang TVC ni dating Senador Jinggoy Estrada na tumatakbo for reelection sa 2022 elections dahil bukod sa presence ng amang si former President Joseph “Erap” Estrada, eh, ang bunsong si Jill pa ang kumanta ng campaign song nitong May Bukas Pa.
Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa pagsasayaw ay mahilig kumanta ang 15-year-old daughter nina Jinggoy at Precy. “I want to achieve my singing career and make music because that is my passion,” sabi ng Grade 10 Junior High School student.
Six years old pa lamang siya nang unang mahilig sa music.
Though hindi pa siya sigurado kung gaya ng ama at lolo ay papasukin din niya ang showbiz sa ngayon, binanggit naman ni Jill na bet niyang maka-collab sa isang proyekto ang mga paborito niyang singer na sina Moira dela Torre at Zack Tabudlo.
Sa mga artista naman, idol niya ang Kapamilyang si Jodi Sta. Maria at bagong Kapuso na si Bea Alonzo.
“Makulit” pero “mapagmahal” naman niya dinescribe si Jinggoy bilang daddy kaya nang sabihin sa kanya na ang mala-anghel niyang boses ang napipisil na kumanta ng campaign song nito, sobra siyang natuwa at na-excite.
Kwento ni Jill, “Of course, I felt happy and got so excited when my mom told me that I was going to sing my dad’s campaign song. I asked help from my brother, Kuya Julian, to assist me in my recording since he does recording as well.”
Si Julian ang DJ-actor na anak nina Jinggoy at Precy na talent ng ABS-CBN at Star Magic.
Nakasama na siya ng aktor-politiko sa 2020 Metro Manila Film Festival entry nito na Coming Home.