jella

Hindi ako tomboy — Jela

November 28, 2021 Vinia Vivar 129 views

First time nakipag-love scene sa kapwa babae ang Viva sexy stars na sina Jela Cuenca at Cara Gonzalez sa GL (girl’s love) movie na Palitan directed by internationally-acclaimed Brillante Mendoza.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa nasabing pelikua ay natanong nga sina Jela at Cara kung nahirapan ba sila sa kanilang love scenes together at kung paano nila ito nairaos.

“Nag-practice kami sa room. Char!” sabi ni Jela sabay-tawa.

“Totoo, nag-practice kami para hindi kami mag-ilangan. Nag-usap talaga kami. ‘Yung mga concerns namin, sinabi namin sa isa’t isa. ‘Yung ayaw at ‘yung okay lang para sa amin na gawin,” sey naman ni Cara.

Ayon pa kay Jela ay mas madali sa kanya ang makipag-love scene sa kapwa babae dahil wala siyang iniingatan na baka may mahawakang private part ang kanyang co-actor since pareho nga silang girl.

“Hindi naman ako tomboy, ha,” paglilinaw ni Jela.

Bukod sa nag-usap daw sila bago gawin ang maselang eksena ay nagtanung-tanong din sila sa mga taong may experience na kung paano ito gawin.

Nagawa naman daw nila ang mga eksenang nire-require sa kanila ni Direk Brillante.

Sa Palitan ay ginagampanan ni Cara ang isang bisexual na may ka-live-in na lalaki pero ang tunay niyang pag-ibig ay isang babae.

Bukod kina Jela at Cara, kasama rin sa movie sina Luis Hontiveros at Rash Flores na kapwa may maiinit ding eksena sa dalawang sexy stars.

Aminado ang apat na bida na talagang wala silang takot na naghubad sa pelikula pero proud daw sila dahil bukod sa Brillante Mendoza movie ito ay napakaganda pa ng story at kapupulutan ng aral.

Mapapanood na sa Vivamax ang Palitan simula sa Dec. 10.

AUTHOR PROFILE