Default Thumbnail

‘Jesus’, ‘John Paul’ huli sa illegal na droga

July 10, 2022 Jonjon Reyes 333 views

WALANG inirekomendang piyansa ang korte matapos maaresto ang 26-anyos na kapangalan ni Jesus Nazareth sa bisa ng arrest warrant sa San Andres Bukid, Manila, iniulat ng pulisya.

Ang suspek na si Jesus Nazareth ay taga-1926 Dagonoy St., San Andres Bukid.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr., Manila Police District – Sta. Ana Police Station 6 commander, bandang 10 a.m. nang arestuhin ang suspek sa Dagonoy Street.

Ang suspek ay naaresto alinsunod sa direktiba ni MPD- Director, P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco kay Mirando na sugpuin ang masasamang elemento at mga wanted sa batas.

Inatasan ni Mirando ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/ Major Geuel Capuz, hepe ng Intelligence Section, at P/ Lt .Renato Ramento, hepe ng Station Warrant Section, kasanib ng puwersa ng 3rd MFC – RMFB ng NCRPO na pinamunuan ni P/ Major Edgar Dimaunahan at tatlo nitong mga tauhan na arestuhin ang nasabing suspek.

Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Danilo Leyva, ng Regional Trial Court Branch 175 laban sa suspek dahil sa paglabag sa Section 11 Article ll ng Republic Act 9165.

Si Nazareth ay most wanted person sa Station Level at di pinayagang magpiyansa para sa pansamantala nitong paglaya.

Inaresto din sa bisa ng arrest warrant ang isang 28-anyos na kapangalan ng Sto.Papa sa magkaparehong kaso sa nasabing lugar.

Wala ring inirekomendang piyansa sa katulad ng kaso laban kay John Paul Maxtao, binata, walang trabaho, ng Dagonoy St.

Sina Nazareth at Maxtao, na most wanted din sa station level, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng R.A 9165.

AUTHOR PROFILE