Jessy

Jessy pumalag sa basher ni Rosie

August 13, 2024 Vinia Vivar 114 views

Hindi nakapagpigil si Jessy Mendiola at sinagot ang isang basher na nanlait sa anak nila ni Luis Manzano na si Baby Rosie.

Sa isang Facebook post ay makikita ang larawan nina Jessy at Rosie na magkatabi habang hawak ang flowers na bigay ni Luis.

Isang netizen ang nagkomento ng hindi maganda. Aniya, “GRABE BAKIT GANYAN YAN BATA WALA PANG 2 YEARS OLD PERO ANG EYEBAGS PANG 80 YEARS OLD NA.”

Nakita ito ni Jessy at mahinahon niyang sinagot ang basher although halata ring naimbiyerna siya.

Ipaliwanag niyang nasa lahi talaga nila ang pagkakaroon ng eyebags.

“Nasa lahi namin na may eyebags talaga kasi half Lebanese. Kalmahan ang paglait sa bata. I-ayon po natin ang ganda sa panlalait, tignan niyo po muna sarili niyo sa salamin. Salamat,” sey ng aktres.

Ipinagtanggol din si Jessy ng kanyang supporters at nilait din nila ang basher.

ANDI ANIM NA TAON NANG SOBER

Ibinahagi ni Andi Eigenmann kung paano niya nalampasan ang kanyang depresyon in her latest Instagram post.

Nag-post ang dating aktres ng kanyang mirror selfie sa Instagram Story showing her in a workout outfit.

Aniya, naging happiness niya ang sports at nakatulong sa kanya para ma-overcome ang kanyang depression.

“I often talk about ‘goals’ when I get into a hobby. I know it isn’t necessary but setting a goal became a standard for me, when I chose to make the effort to overcome my depression in the past.

Setting a goal for anything I did, helped me get up and do something.

“(My primary source of ‘happiness’ became physical activities/sports. But it can vary. I feel it can be anything that you can put your mind into doing that makes you feel good about yourself somehow),” Andi wrote.

Aniya pa, dati ay hirap siyang bumangon at gumawa ng kahit simpleng bagay lang.

“Anyway, it’s nice to notice that nowadays, I just do all these things ‘out of the blue’ and regardless, I’m still happy.

“It used to take a lot for me to do something as simple as get out of bed… or wake up. If anybody can relate to this… it’s all up to us, guys! Baby steps,” she said.

Sa isa pang hiwalay na post, sinabi ni Andi that she’s celebrating six years of sobriety.

“Sunsets, Bali and Jubel!! Sooo many memzzz with Jubel, most of which with in hand. After many of life’s twists and turns, Im holding my…! (This month of this year, I also celebrate 6 Years of Sobriety),” aniya.

The definition of sobriety is, according to Merriam-Webster, “not having a compulsive physiological need for a drug, alcohol, or other habit-forming substance and not being strongly compelled to indulge in or use it repeatedly.”

AUTHOR PROFILE