Heart

Heart ipinagtanggol si Chiz sa bashers

August 13, 2024 Vinia Vivar 100 views

To the rescue si Heart Evangelista sa pangba-bash na natatanggap ngayon ng mister na si Senate President Chiz Escudero.

Umaalma kasi ang netizens sa diumano’y sinabi ni Sen. Chiz kamakailan na nagkasundo ang Senado na limitahan ang pag-a-approve ng local holidays sa Pilipinas.

“Mahigit isang buwan na ang holiday sa buong bansa, which makes Philippine companies and workers less competitive,” anang senador.

Sa Amerika raw ay mabibilang lamang sa daliri ang mga holiday.

“Tayo, hindi. May Araw ng Kagitingan, National Heroes’ Day. Bawat bayani, kapag pinatay sila, may holiday na naman, ‘di ba? Ang problema lang, away ‘yan, eh. Pero hindi naman kailangang gawin ‘yan ngayon, simulan lang natin ang proseso,” pahayag pa ni Sen. Chiz.

Iba’t iba ang naging reaksyon dito ng netizens at karamihan ay tumututol sa sinabi ng mister ni Heart. Anila, hindi totoong apektado ng holidays ang competitiveness ng Pinoy.

May nagsabi pa na ang dapat bawasan ay ang sahod ng mga mambabatas.

Sey pa ng isa, “Madaming pwedeng ayusin pero holidays? really? most of our workers in this country are overworked and underpaid let them have their break during the holiday, Mr. Chiz Escudero.”

Sa Instagram Live ni Heart last Sunday kasama ang mister ay may nag-comment na “huwag po bawasan ang holiday.”

Sagot ni Heart, “Hindi po babawasan ang holiday. Fake news po ‘yun. Hindi lang siya dadagdagan.”

Paliwanag naman ni Chiz, “Ang average holiday po sa ASEAN, sa Association of South East Asian Nations, dito sa Southeast Asia, ang average holiday po ay nasa labing-anim hanggang labing-walo.

Ang Pilipinas po, nasa 25. So, ang policy po ng Senado, huwag na nating dagdagan ‘yung 25 na ‘yun, dahil masyado na tayong nagiging hindi competitive sa mga katabi nating bansa.”

Sabi pa ni Heart, “So, ‘wag po kayong uminit ang ulo. Hindi po siya babawasan. Na-fake news na naman tayo. Masyadong active sa social media. Kung anuman po ‘yun, ‘yun na po ‘yun. Hindi lang madadagdagan.”

PALITAN NG TEXT NINA JOJO AT SANDRO BINASA SA SENADO

Mariing itinanggi ng GMA-7 “independent contractors” na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz ang sexual harassment na ibibintang sa kanila ng GMA Sparkle artist na si Sandro Muhlach.

Nitong nakaraang Lunes, August 12, dumalo sina Nones at Cruz sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media at dito ay sinagot nila ang mga akusasyon.

“Hindi po kami gumawa ng anumang sexual harassment or abuse laban kay Sandro Muhlach.

“Sa pagkakataong ito, sa harap ninyong lahat, mariin pong itinatanggi namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin.

“Kami po ay hindi executives ng GMA Network, tulad ng lumalabas. Taliwas sa sinasabi online, wala po kaming kapangyarihan o impluwensiya sa network, lalung-lalo na sa mga artista nito.

“Sinabi naman po ng GMA na hindi kami regular employee ng network. Alam po namin na konting pagkakamali lamang na nagawa namin sa produksiyon ay maaaring ma-terminate ang aming kontrata at mawalan kami ng trabaho,” pahayag ni Cruz.

Ayon naman kay Nones, hindi nila magagawa kay Sandro ang ibinibintang nito.

Aniya, “Lalo na po na alam namin na anak ng sikat na artista at maimpluwensiyang pamilya si Sandro.”

Ang mensahe nila sa Sparkle artist, “Kay Sandro, wala kaming ginawang masama sa iyo, alam mo ‘yan sa puso mo. Hindi pa huli ang lahat na magsabi ng totoo.”

Nanghingi pa ang dalawa ng executive session kina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada nang magkainitan tungkol sa usapin kung sino ang unang nag-text kina Jojo at Sandro.

Hanggang sa napapayag na rin ang ama ni Sandro na si Nino Muhlach na basahin ang buong transcription ng palitan ng text sa harap ng committee hearing.

Nakatakda muling mag-hearing ang committee bukas, Huwebes, at susubukan kung kakayanin nang humarap nang personal ni Sandro sa Senado.

AUTHOR PROFILE