Echo

National Museum parte ng “dating stage” nina Echo at Janine

August 14, 2024 Vinia Vivar 116 views

Nagsalita na si Jericho Rosales tungkol sa relasyon nila ni Janine Gutierrez.

Sa isang solo presscon, tinanong ang aktor kung ano ba talaga ang real score sa kanila ng aktres.

Kaagad namang umamin si Echo at kinumpirmang nasa dating stage sila ni Janine.

“We’re getting to know each other. We’re dating,” sey ng aktor.

Sey pa niya tungkol kay Janine, “She’s an amazing person. Very sweet, very kind, very funny and very dedicated. And you know, good actress. And we just like, you know, share a lot of things.”

Inamin din niya na bahagi ng date nila ang pagpunta nila ni Janine sa National Museum kamakailan at siya raw ang nagyaya sa aktres.

Matatandaang nag-viral ang photos and videos nila sa museum at dito rin lalong umingay ang tsikang may namamagitan sa kanila.

Ayon pa kay Echo, ayaw niyang mag-deny.

AUTHOR PROFILE