Default Thumbnail

Itigil ang bidding sa plaka ng LTO!

February 16, 2022 Marlon Purification 407 views

Panawagan sa Senado

DALAWANG kompanya na supplier ng plaka sa bansa ang nanawagan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na ipatigil ang isasagawang bidding para sa mga plaka ng motrosiklo sa Land Transportation Office (LTO).

Sa isang liham na ipinadala kina Sens. Richard Gordon, ng Blue Ribbon Committee at Grace Poe ng Committee on Public Service, hinling ng kumpanyang Erich Utsch AG at J. Knieriem BV, kapwa international supplier ng plaka ng motorsiklo sa bansa na agad ipatigil ang nasabing bidding ng plaka ng mga motorsiklo.

Binanggit ito sa liham na pirmado ng mga opisyal ng kumpanya at kanilang mga representative sa Pilipinas na sina Grace Ibuna, ng Erich Utsch AG at Michael Frandy Salazar, ng Wise Corp at authorized representative ng J. Knieriem BV. Ang bidding ay nakatakdang buksan ngayong ika-23 ng Pebrero.

“In line with this, may we request for your assistance to urgently hold and/or cancel this bidding first and allow the processing of cases be filed against the present BAC Chairman and HOPE of LTO as the Senate Blue Ribbon recommended,” ayon sa isang pahinang liham.

“They are still the same people behind the LTO administration now, so where is the logic of having them handle this same bidding?,” dagdag pa nila.

Kinuwestiyon din nila na kadalasang ginagawa ang bidding sa naturang ahensya tuwing Setyembre ng taon.

Nitong 2021, pinakasuhan ng Senado sina LTO Asec. Edgar Galvante at Executive Dir. Romeo Vera Cruz, pinuno ng Bids and Awards Committee (BAC) ng LTO dahil umano sa maanomalyang transakyon sa mga plaka ng motorsiklo sa kumpanyang Trojan.

“The reason why both Congress and Senate did not approve the request of P1.8 billion requested as budget for MC plates was because of this investigation and that it became obvious that there are still a lot of stocks of MC plates not yet fully distributed yet by the LTO. That before this bid, the LTO has already procured more than P2 billion worth of MC plates and are not yet distributed fully up to now,” ayon pa sa liham.

Nanawagan din ang grupo sa mga senador na palitan muna ang mga opisyal na sangkot sa anomalya bago muling magpatawag ng nasabing bidding.