ffcccii Holding areas, complete w/ AC, hospital beds,among others, are turned over to the Justice J. Abad Santos General Hospital. The tents, linoleum and frame braces were donated by PGFlex Umbra & Maruyama. FFCCCII, represented by Nelson Guevarra, VP for External Affairs, Chairman Jefferson Lau and Jaime Ching, were at the event, with JJASGH represented by Dr. Merle Sacdalan-Faustino, Hospital Director. The special guests were Manila Vice Mayor Honey Lacuna and Rep. Yul Servo of Manila 3rd District. Photo by JON-JON REYES

Isolation area inilunsad sa JJASGH

April 24, 2021 Jonjon Reyes 438 views

INILUNSAD ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang Adult at Pediatric Isolation Area sa parking area ng ospital, na ipinagkaloob ng Lungsod ng Maynila sa tulong ng butihing Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama sina Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, Third District of Manila Rep. John Marvin “Yul Servo” Nieto, Bgy. 281 Chairman Jefferson Lau, Bgy. 282 Chairman Steven Yap, Nelson Guevarra ng PG Flex Philippines, Jaime Ching ng Philippine Tiok Lim Grand Masons at ang mapagkawang-gawang organization na Bei Shi Shuan Yun Qun.

Naging bisitang pandangal ng nasabing ospital sina Lacuna-Pangan at Nieto, kaya’t nagbigay sila ng mahahalagang mensahe para sa kanilang mga kapwa Batang Maynila na siya namang naging inspiration ng mga empleyado at mga pasyente.

Nagsagawa ng turnover ceremony para sa mga tent na donasyon mula sa PGFlex Maruyama, pati mga ibang kagamitang pang ospital para sa mga front liners upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang paglilingkod sa mga nangangailangan ng tulong.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Lau, Yap, Ching at Guevarra, ang Chairman for External Affairs ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Lubos naman ang pasasalamat ng mga Batang Maynila sa pangunguna ni Moreno sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang paglulunsad na ito, na naglalayong mabigyan ng sapat na espasyo ang mga pasyente ng JJASGH upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at iba pang mga sakit.

Naipamalas ang pagtutulungang ito na tinawag na “COMMUNITY SYNERGY” – bunga ng pagsasanib-pwersa ng mga miyembro ng pamayanan kasama ang Lungsod ng Maynila upang maging matagumpay ang mga programa para sa mga mamamayan.

Ang mga isolation area na ito ay mabuting pasimula sa programa ng Lungsod ng Maynila sa pagpapatayo ng mga emergency isolation areas upang mapuksa ang pandemyang kinahaharap. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE