Isko Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna: “Sama-sama tayo tungo sa tuluyang pagsugpo sa COVID-19 mga Batang Maynila! Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa sa ating #VaccineNation campaign.” Kuha ni JON-JON REYES

Isko, Honey ipinagbunyi dahil sa Malasakit

September 11, 2021 Francis Naguit 399 views

LUBOS ang pasasalamat ng mga Maynila dahil sa malasakit nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.

Ito ay dahil pumalo na sa mahigit isang milyon na ngayon ang nabakunahan sa Lungsod ng Maynila araw ng Sabado Sept.11.

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng mga schedule sa bawat lugar at distrito sa lungsod para sa mga mamamayan at kalapit lungsod na nais pang magpabakuna.

Halos nasa 1,000,206 katao ang buong nabakunahan sa Lungsod ng Maynila laban sa COVID-19. Ito ay ayon sa report na ipinakita ang datos mula sa Manila Health Department (MHD).

Hanggang alas 5,p.m. noong Biyernes, Setyembre 10, humigit-kumulang na 1,294,142 ang nakatanggap ng hindi bababa sa isang dosis ng bakuna ng COVID-19, habang ang 1,000,206 katao ay isinasaalang-alang nang buong nabakunahan.

Sa araw ng Biyernes, alas 7 ng gabi September 10, pumalo na sa 2,255,928 vaccine doses ang naiturok na sa ating mga kababayan sa pangunguna ng Manila Health Department.

Matutunghayan din dito ang breakdown ng 36,011 doses ng bakunang na-deploy noong Huwebes. Nasa 92.95% naman ang mga nakatakdang mabigyan ng second dose ang tumanggap nito..

Umabot naman sa 2,215,126 na katao ang nakapag pre-register na sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Ayon kina Moreno at Lacuna, sama-sama tayo tungo sa tuluyang pagsugpo sa COVID-19 mga Batang Maynila! Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa sa ating #VaccineNation campaign.

Nagpahayag na rin ang lungsod na ang pagpaparehistro ng bakuna ay pwede na sa mga batang nay edad mula 12 hanggang 17 taong gulang.

Ang mga batang may edad 12 hanggang 17 ay pinapayagan na ring magparehistro muna sa website ng pagpaparehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph ng bakuna sa COVID-19 ng pamahalaang Lungsod,

Dagdag pa ni Moreno noong Setyembre 10, ang mga batang may edad 12-17 ay maaaring makatanggap ng ilang mga tatak ng bakuna sa COVID-19.

Gayunpaman, sinabi ni Moreno na hindi pa malinaw kung kailan papayagan ng pambansang pamahalaan ang pagbibigay ng mga bakuna para sa mga bata,ngunit binigyang diin niya na maaari na silang magparehistro para sa pagbabakuna.

Ang mga indibidwal na nabakunahan ay nakatanggap ng alinman sa dalawang doses ng bakuna sa COVID-19 na Johnson & Johnson.

Sinabi ni Dr. Arnold “Poks” Pangan Director ng MHD na namigay na ito ng 2,255,541 doses ng bakuna ng COVID-19 para sa kwalipikadong populasyon (mga taong 18 taong gulang pataas) mula noong Marso 2021.

Kung ang datos ay ibabatay mula sa pagtatantya ng populasyon ng Department of Health (DOH), halos 74.01% ang kwalipikadong populasyon ng Maynila ay kumpleto nang nabakunahan..

Mula pa rin sa MHD ay kanila ng inihayag na magagamit na ang mga drive-thru vaccination slot mula sa araw ng Lunes Setyembre 13 hanggang Setyembre 19, may bilang na 1,400 na ang magagamit slot. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE