Default Thumbnail

Transport group nagpasalamat kay Isko

September 11, 2021 Jun I. Legaspi 840 views

NAGPASALAMAT isang transport group kay Manila Mayor Isko Moreno dahil binigyan sila ng pagkakataong ihayag ang kanilang mga mungkahi sa isang dialogue tungkol sa issue ng ‘no contact apprehension policy (NCAP).

Ang “fruitful” dialogue ay naganap sa pagitan ng Manila City Hall at #LABAN TNVS.

Sa isang interview, sinabi ni Leonardo De Leon Jr., national president ng #LABAN TNVS, na personal silang nagpapasalamat kay Moreno dahil sa magandang pakikipag-dialogue sa kanila ni City Administrator Felixberto Espiritu noong Biyernes.

Sinabi ni De Leon na ipinangako ni Espiritu sa kanila na ipaaabot nyang personal ang fruiful dialogue sa pagitan ng transport group at mga representatives ni Moreno.

Nangako rin si Espiritu na ipaliliwanag at irerekomenda nito kay Isko na suspendihin muna ang ipinatutupad na NCAP sa Manila.

“Napakalaking tulong nito sa transport groups sakaling suspindihin ni Yorme Isko ang NCAP,” ani De Leon.

Ayon kay De Leon, nakita ni Espiritu sa kanilang dialogue na makatwiran ang lahat ng mga request ng transport groups dahil na rin panahon ng pandemya.

September 14, 2021 ang ibinigay na timeline ni Espiritu upang posibleng maresolbahan ang mga request ng transport group.

Naniniwala naman si De Leon at mga kasama nitong transport leaders win-win solution kung pagbigyan ang kanilang hiling na suspindihin muna ang NCAP.

Nagpaabot din ng mga pasasalamat ang ibang transport groups sa magandang dialogue na ibinigay ng siyudad ng Manila.

AUTHOR PROFILE