Ipon GANITO ‘YAN–Tinuturuan ni Police Col. Wilson Doromal ang mga kabataan para sa kanilang kinabukasan. Kuha ni Jon Jon Reyes

Ipon Challenge ginanap sa Tuguegarao

March 22, 2024 Jonjon Reyes 327 views

Ipon1CAMP Marcelo Adduru, Tuguegarao–Naglunsad ang Regional Finance Unit 2 ng tinatawag na “Ipon Challenge para sa 100 mag-aaral sa kindergarten sa Tuguegarao Northeast Central Integrated School (TNECIS) sa Cagayan, Tuguegarao City noong Martes.

Pinangunahan ni Police Colonel Wilson L. Doromal, Hepe ng Regional Finance Unit, ang hamon sa pakikipagtulungan ni Emely P. Tango, Principal IV; Marjorie T. Tamaray, Joan M Pingad, Reynalyn Castillo at Sally S. Unida, mga guro ng TNECIS.

Bilang bahagi ng hamon, binigyan ng alkansya Ang mga kalahok na gawa sa plastik na bote at hinimok silang palamutihan nang malikhain.

Inatasan din ang mga bata na punan ang kanilang mga alkansya ng mga barya bilang tanim sa kanilang pag uugali ng pag-iipon.

Nagpasalamat ang pulis sa punong-guro ng TNECIS sa ginawang aktibidad.

AUTHOR PROFILE