
Init ni Inday
NAPAHIYAW ng “ang init!” ang mga Dodong ng social media dahil sa ibinidang hotness ng natatanging Inday na kanilang pantasya.
Mukhang napaaga yata ang summer dahil sa pagpapainit ng beauty queen-TV host na si Fatima Kate Bisan o kilala rin bilang “Inday Fatima.”
Sa isa sa kanyang Instagram post, naglalagablab ang toned body ni Hiyas ng Pilipinas – Miss Tourism World Philippines 2023. Bakat na bakat ang kanyang kaseksihan sa suot na two-piece string bikini.
Ang netizens tuloy pabiro siyang sinisi sa pag-init ng panahon.
“Grabeeee kaya pala ang init ngayon,” hirit ng isang IG user.
Talaga ngang may maipagmamalaki si Inday pagdating sa kategorya ng pagiging bombshell. Nasipat nga sa mga larawang kanyang ibinahagi ang naglalakihang pakwan ng isang bebot.
“Face card will never decline” nga ang atake ng ganda ng beauty queen. Effortless niyang ibinida ang no makeup at kaakit-akit na look.
Pati ang netizens ay nauga sa mala-lindol na lakas ng karisma ni Inday, kaya naman pinusuan nila at binaha ng papuri ang nasabing post.