
Mir-rawr shot
NAGULANTANG ang internet world sa mga pasabog na mirror selfie ng Kapuso actress na si Claire Castro.
Napa-“rawr!” sa kanyang hotness ang followers ng model-actress sa Instagram dahil malakas ang tama ng kanyang kaseksihan sa kanila.
Sa kanyang IG post, pak na pak ang wetpaks ng ‘Makiling’ actress. Palaban sa patambukan ang kanyang bum at walang mintis ang kinis ng mga ‘to.
Sa suot niyang pulang lingerie, namintana ang magandang korte ng kanyang wangkata. Enjoy na enjoy ng mga barako na tanawin ang kanyang back view.
Hulog na hulog din ang kanyang mga tagahanga sa ganda na ipinakita ni Claire. Fresh at glowing ang face ng aktres habang ang katawan nito ay nagwawala sa umaapaw niyang hotness.
Binulabog naman ng netizens ang kanyang comment section dahil sa nagawang ingay ng kanyang perfect body. Todo puri ang mga ito kung gaano ka-hot si Claire sa nasabing post.
Ilan nga sa kanilang comments ay, “Grabeh naman,” “Always looking great,” at “Iba ka madam!!!”