
I’m happy for her — Bistek
MAIKSI pero ramdam ang pagbating ginawa kahapon ni senatoriable at former QC Mayor Herbert Bautista sa engagement nina Kris Aquino at former DILG Secretary Mel Sarmiento.
One liner ang tweet na binitawan ng tinaguriang “Bagong Mukha” sa bagong Senado at ito ay ang: “I’m happy for her.”
Wala mang binanggit na pangalan, marami ang nag-react sa tweet na iyon ni Bistek, kasama na ang Kristek followers ng minsan ding na-link na showbiz pair.
Anyway, kapansin-pansin sa nasabing tweet ang pagbati ng isang netizen kung saan sinabi nitong, “Hello senator.”
Ngayon pa lang kasi, malakas na ang hatak ni Bistek sa voters, lalo na sa mga kabataang bilib sa kanyang naging pamumuno sa QC ng kung ilang termino.
Technically, pasok na nga siya sa Magic 12 senatorial slate sa latest survey ng 2022 polls dahil nag-back-out nga si Kabayang Noli de Castro sa laban.
Masasabing si Bistek lang ang bagong mukha sa national political scene at gaya nga ng papuri ng Presidentiable nitong si Sen. Ping Lacson, deserving siya na maging bagong miyembro ng Senado.
“Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista was a revelation in our regular ‘Online Kumustahan’ with the great people of Antipolo City this afternoon. Hearing him speak for the first time is one great opportunity for me to know the man better. He deserves to be in the Senate,” ang direct quote ni Sen. Ping.
Sa itinatakbo ng mga pangyayari sa national scene, marami ang nagpre-predict na aangat at papasok pa sa Top 5 ng senatorial slate si Bistek.