Chavit Singson

Common towers ni Chavit, handa na para sa mga telco

October 25, 2021 Ian F. Fariñas 137 views

Bukod sa pag-i-invest ni LMP president at Narvacan Mayor Chavit Singson ng $100 million sa South Korea, abala rin ang kanyang LCS Group of Companies sa iba’t ibang proyekto nito ngayon sa bansa.

Napakaraming proyekto ng LCS Group of Companies kung saan ang nasabing alkalde ang chairman. Isa sa mga it ang pagpapatayo ng common towers.

Katunayan, ang LCS group ang nangunguna sa pagpapatayo ng common towers upang magamit ng tatlong pangunahing telecommunication companies tulad ng Globe, Smart at DITO sa mas maraming lugar at mas maayos na signal ng mga telecom.

Ang common towers ay hindi ipinatayo at hindi pag-aari ng mga telecommunication company. Ito ay pag-aari ng independent companies gaya ng LCS Group at magsisilbing tollway na babayaran ng telco companies.

Sa ngayon, may nakatayo nang mahigit 100 common LCS towers mula sa Regions 1, 2 and 3 at meron na rin dito sa Metro Manila.

Layunin nitong makapagpatayo ng 6,000 common towers sa loob ng anim na taon sa buong bansa. Ang guidelines sa pagpapatayo ng independent common towers ay inilabas lamang ng Department of Information and Communications Technology noong June 2020 para mas gumanda ang serbisyo ng mga telco sa bansa.

Ang LCS group ay makikilala bilang pinakamalaking nagmamay-ari ng common towers sa buong Pilipinas.

Habang sinusulat ito, nasa South Korea na naman ang dating governor para magbigay ng maglagak ng investment sa entertainment dahil hindi maipagkakaila na sikat na sikat ang nasabing bansa sa paggawa ng magagandang teleserye na sinusundan karamihan hindi lamang sa Asya kundi pati na sa buong mundo.

Gusto ni Gov. Chavit na suportahan ito kasama na rin ang iba pang negosyo katulad ng pagpapatayo ng hotels, condominium at malls.

Kamakailan lamang ay nag-withdraw na rin ang mayor sa planong pagtakbo bilang vice governor para maayos at magkasundo ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

AUTHOR PROFILE