Default Thumbnail

Illegal gambling

May 8, 2023 Marlon Purification 204 views

Marlon PurificationMARAMI ang nag-message tungkol sa isinulat nating laganap na pagpaparehistro ng mga illegal voters ngayon, tulad nang ipinarating na sumbong sa Comelec diyan sa isang barangay sa Makati City.

Sana raw ay maging mas mahigpit ang Comelec at mapanuri pa sila bago payagang irehistro ang mga ‘kahina-hinalang’ indibiduwal.

Talamak na rin daw ang illegal gambling sa syudad na pinamumunuan ng isang alias Z.

Dapat ay ipagbuwag ang sindikato ng lotteng, suwertres, easy 2 at bookies ng karera ng kabayo na isinusumbong ng ating mga kababayan.

Ang Makati City PNP ay naglunsad ng tinatawag na CUTIE o Cooperation, Unity, Transparency, Integrity, Equality.

Magandang mantra ito para kay chief of police na si Col. Edward Cutiyog na alam kong hindi papayag na mapalusutan siya ng kanyang mga tauhan.

Nasisiguro kon ay hindi na mahihirapan si Col. Cutiyog na ipabuwag ang naturang sindikato, lalo na at malaki ang tiwala sa kanya ni Mayora Abby.

Belated Happy Birthday nga pala kay Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Kirby Kraft!

Madalas nating ka-text at ka-viber si DD at nagpaabot na rin tayo ng mensahe sa kanya sa telepono.

Pero muli tayong magpapaabot ng ating pagbati sa magaling na heneral.

Happy birthday uli, Gen. Kirby Kraft, sir!

Kung hindi sa pulitika, malamang ay nasungkit mo na ang PRO4a, pero pasasaan ba at doon ka rin papunta.

All the best, Gen. Kraft, Sir! See you soon!