Titosen

ILALABAN!

June 5, 2023 Ian F. Fariñas 211 views

PaoloTito Sen sa paggamit ng TAPE sa titulong ‘Eat Bulaga’: It’s their own lookout 

“IT’S up to them, it’s their own lookout.”

‘Yan ang reaksyon ni Tito Sotto sa tanong ni Pinky Webb kaugnay ng paggamit ng TAPE, Inc. sa titulong Eat Bulaga sa pagbabalik sa ere ng programa kahapon.

Ilang oras lang ang pagitan ng interview ni Tito Sen sa The Source ng CNN Philippines sa muling pag-ere ng Eat Bulaga kasama ang bagong hosts na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Cassy at Mavy Legaspi, atbp.

Ayon sa isa sa OG Eat Bulaga hosts, pinayuhan sila ng kanilang legal counsel na hayaang gamitin ng TAPE, Inc. ng Jalosjos family ang title na iginigiit niyang pag-aari ni Joey de Leon.

“Hayaan n’yo para mas meron tayong hahabulin at sisingilin,” payo umano ng mga abogado ng TVJ.

“Basta’t it’s all recorded, we’ll see how it goes,” aniya pa.

“Elated” at “humbled” naman ang grupo ng original Dabarkads sa suportang ipinakita ng netizens online mula nang mag-resign sila sa TAPE, Inc. noong May 31.

Inamin din ni Tito Sen na apat o limang istasyon ang nakikipag-usap sa kanila para sa paglipat.

“The creators are the owners. It’s always that way,” giit pa niya pagdating sa pag-aari ng program title, theme song at segments.

“It’s going to get better, hopefully, itutuloy pa rin namin,” dugtong niya sabay sabing ilalaban nila ito at itutuloy ang paghahatid-saya’t tuwa gamit ang titulong Eat Bulaga.

Samantala, hindi pa raw sila nakakapag-usap ng niretirong former TAPE, Inc. president na si Tony “Mr. T” Tuviera. Aniya, nasa Japan pa ito hanggang ngayon.

May 28 pa raw umalis si Mr. T kasama ang misis na si Mads na nag-birthday doon nu’ng May 29.

“In all these, he’s enjoying his vacation. Hindi pa kami nagkakausap,” diin ni Tito Sen.

Basta ang sigurado sa ngayon ay sa June 7 na mag-a-announce ang TVJ kung saang network at timeslot sila lilipat.

At kung matutuloy ang plano, sa July muling matutunghayan ang grupo sa bagong tahanan ng mga ito.

AUTHOR PROFILE