Julia

Julia, bet bumalik sa pag-aaral

June 5, 2023 Ian F. Fariñas 237 views

SA gitna ng pagiging busy sa kanyang showbiz career, bet pala ni Julia Barretto na bumalik sa pag-aaral.

Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, tatlong kurso ang kinu-consider niyang kunin sa college at ito ay ang Psychology, Drama o kaya naman ay Business Management.

Sa pocket interview ng aktres para sa bago niyang pelikulang Will You Be My Ex? katambal si Diego Loyzaga para sa Viva Films, sinabi ni Julia na, “I really wanna study. I think ‘yan ang pinakagusto ko talagang gawin ngayon. If makaka-find ako ng perfect way na mapagsabay ‘yung shooting at saka ‘yung pag-aaral, ang perfect na talaga ng lahat… thank you, Lord! Pero ano, igo-goal ko talagang magawa ‘yan.

“My course? Siguro, tatlo. It depends kung saan ako mag-e-end up mag-aral. There’d always been three that I’ve always wanted to take. Psychology, one, I wanna take Drama and Business. So kung anuman ‘yung perfect du’n sa school na mag-e-end up ako, happy na ako. Hindi naman kailangan lahat ‘yon. Basta lang makapag-aral talaga ako.”

Malamang, abroad siya mag-enroll para makapag-focus sa gagawing pag-aaral hopefully bago siya mag-30 years old.

Bukod sa Will You Be My Ex?, na showing na sa mga sinehan simula June 21, nakatakda ring gawin ni Julia ang pelikulang Special Memory.

Ang Special Memory ang dapat sana’y proyekto nina Alden at Bea Alonzo bago nag-beg off ang huli dahil umano sa kanyang tight schedule.

Pero tumanggi muna si Julia na pag-usapan ang tungkol dito sa katatapos na solo mediacon.

“I don’t know if I can comment on that yet but we can talk about it when we get there. When we get there, we can chat about it. We can have a discussion, we can chat, hahaha, when we get there, hahaha!” polite na sagot ng aktres sa tanong ng press.

AUTHOR PROFILE