Angelica

ANGELICA AT GREGG, IKAKASAL SA 2024

June 5, 2023 Vinia Vivar 293 views

Matapos ma-engage last year, inanunsyo na ni Angelica Panganiban ang upcoming wedding nila ng fiancé na si Gregg Homan.

Ginawa ng engaged couple ang announcement sa kanilang YouTube channel na The Homans.

Ani Gregg, “We were going to get married last year pero we wanted to make Bean a part of it.”

Si Baby Bean o Amila Sabine ang kanilang anak na ngayon ay eight months na.

“So we are going to do it early next year. We are looking at places locally to do it. But I am excited for it,” dagdag ni Gregg.

Sey naman ni Angelica, dalawang beses na nilang pinu-postpone ang wedding.

“Parang twice na naming dinelay ‘yung wedding. Last year and this year, dapat aalis tayo. Ilang beses naming trinay mag-elope pero parang ayaw ng mundo na itago namin. Malakas magdasal ‘yung mga kaibigan ang family members namin. So, ngayon mukhang matutuloy na siya,” tsika ni Angelica.

Mayroon na silang date at ipinaalam na nila ito sa mga kaanak at kaibigan.

“Meron na kaming save the date, sinabi na namin siya sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila, makapag-ipon na. Sa mga friends namin na sobrang busy ‘yung schedule nila sa life, marami silang commitments, inunahan na namin sila na i-save na ‘yung araw na iyon,” pahayag ng aktres.

Natawa naman si Gregg nang sabihin ni Angelica na, “So, finally pakakasalan ko na ito kasi talagang dead na dead sa akin. Pagbibigyan ko lang ng isang malakasan.”

Bagama’t hindi sinabi ng dalawa ang date ng wedding, ayon kay Angelica, may clue naman silang binigay so kaya nang ma-figure out ito ng mga tao.

Sa isang bahagi ng vlog ay nabanggit nila ang kahalagahan ng oras na 5:20 p.m. na laging oras ng kanilang video upload sa kanilang channel.

Ito raw ang exact time na tinanggap ni Angelica ang proposal ni Gregg.

So, ang hula ng netizens, May 20 ang kasal nina Angelica at Gregg.

AUTHOR PROFILE