Dennis Trillo

HIWALAYANG DENNIS AT POPOY, IBANG USAPAN SA MULING PAGPIRMA NG AKTOR SA GMA

October 11, 2023 Jun Nardo 147 views

KAPUSO artist pa rin si Dennis Trillo dahil muli siyang nag-renew ng kontrata sa GMA Network.

‘Yun nga lang, wala na sa eksena ang dati niyang manager na si Popoy Caritativo sa renewal ng kontrata ng aktor.

Ang bagong management team niya na Aguila Entertainment ang present sa contract signing with the GMA execs.

Alam namin ang hirap ni Popoy nang inilalako niya si Dennis lalo na sa press para maisulat siya. Dugo at pawis ang ipinuhunan niya upang mapasikat ang aktor na napagtagumpayan naman ni Popoy.

Eh, ganyan talaga sa showbiz.

Kung bakit naghiwalay ng landas sina Popoy at Dennis is another story.

AUTHOR PROFILE