
Ellen, imbiyerna sa virus na tumama sa pamilya nila ni Derek
Imbiyerna si Ellen Adarna sa virus na tumama sa kanyang pamilya base sa kanyang recent Instagram Story.
Makikita sa kanyang post ang larawan ng mister niyang si Derek Ramsay at ng isang bata na tila nasa hospital.
Nakasakay sa wheelchair ang bata at nakatalikod sa camera kaya hindi namin masabi kung ang anak ba ito ni Ellen na si Elias.
Si Derek naman ay nakasuot ng face mask at naka-pangbahay lang.
Ayon kay Ellen, one month na ang virus na dumapo sa kanila.
“Fu*k this virus. 1 month and counting. Please go away!” sey ng misis ni Derek sa caption.
Wala ring binanggit na detalye si Ellen tungkol dito pero base na rin sa mga nakikita naming post niya these fast few days, mukhang okay naman sila ng kanyang pamilya.