Alden

Lovelife nina Julia at Alden, gamit sa promo ng pelikula

October 11, 2023 Jun Nardo 196 views

HUWAG magtaka kung lovelife at personal life nina Julia Montes at Alden Richards ang ilan sa mga natanong ni Boy Abunda nang hiwalay na mag-guest ang dalawang bida sa movie na Five Breakups and a Romance.

Naitanong ni Boy kay Julia kung engaged na sila ni Coco Martin. “I’ll cross the bridge when we get there,” ang cliché na sagot ng aktres.

Natanong naman kay Alden, ang kalahati ng nabuong AlDub loveteam nila ni Maine Mendoza sa original Eat Bulaga, kung na-fall siya sa ngayo’y misis na ni Rep. Arjo Atayde.

As we all know, sibak na ang phenomenal nilang AlDub loveteam.

Nagka-crush daw si Alden kay Pia Wurtzbach, pero hindi niya naiparating ang feelings sa dating Miss Universe.

May nililigawan daw ngayon si Alden.

Of course, hindi maiiwasan na matanong ang dalawa tungkol sa lovelife nila kahit hindi ito kasama sa movie nina Julia at Alden.

Hindi na bago ang ganitong style ng promotions na noon pa man, eh, ginagawa na ng mga artistang may movie o TV show na ipalalabas.

Nasa talk show sila kaya interested ang viewers sa estado ng kanilang lovelife. Boring naman kung puro na lang tungkol sa movie ang pag-uusapan.

Buti na lang, si Boy ang nagtanong sa dalawa or else, hanggang movie lang ang mapag-uusapan, huh!

Hanggang movie lang ang involvement sa isa’t isa nina Julia at Alden.

Hindi sila naggagamitan para i-promote ang Five Breakups and a Romance.

AUTHOR PROFILE