Helper HULI KA–Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng MPD at RID ng NCRPO ang isang suspek sa panghahalay matapos na matunton ang pinagtataguan nito sa Herbosa St., Tondo Maynila. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Helper arestado sa panghahalay

August 3, 2023 Jonjon Reyes 308 views

INARESTO ng mga operatiba ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO-RID at Manila Police District Raxabago Police Station 1 ang isang 21 anyos na helper dahil sa panghahalay sa Herbosa St., Tondo, Maynila noong Miyerkoles.

Nakilala ang suspek sa alyas ‘Tope” at naninirahan sa Maharlika St. Barangay 85, Tondo.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas ng Regional Investigation Division ng National Capital Regional Office, pinangunahan nina Police Capt. Arniel Buraga kasama ang mga operatiba ng MPD sa pamumuno naman ni Capt. Jeffrey Montero, hepe ng warrant Subpoena Section Intel, ang pag aresto sa suspek bandang 9:00 ng gabi.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu n Judge Jacqueline Martin-Balictar ng Regional Trial Court Branch 9 ng Manila dahil sa kasong panghahalay.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nag-paabot ng pasasalamat si MPD chief Brig. Gen. Andre P. Dizon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE