Heaven

Heaven payag maging ka-loveteam si Marco

April 27, 2023 Aster Amoyo 404 views

Heaven1Heaven2NANG unang humarap ang young singer-actress na si Heaven Peralejo sa entertainment media para sa announcement ng bagong TV series ng Viva One na”The Rain in Espana” mula sa hit Wattpad na sinulat ni Gwy Saludes, may suspetsa na kami noon na mukhang nasa pangangalaga na ito ng Viva Artists Agency (VAA), ang artist talent management arm ng Viva Group of Companies.

Ang katwiran namin, bakit pa kukuha ng ibang artist ang Viva ng taga-labas to lead the project kung meron naman silang napakaraming talents sa ilalim ng kanilang kwadra?

Hindi nga kami nagkamali sa aming sapantaha dahil nung Miyerkules, April 26 ng hapon ay pormal na lumagda ng kontrata ang ex-PBB housemate-turned Star Magic young star na si Heaven sa Viva kasama ang kanyang inang si Luanne Peralejo-Angeles na siyang tumatayong co-manager niya with Viva. Naroon din sa contract signing ang Viva bosses na sina Boss Vic del Rosario (Chairman & CEO ng Viva Group of Companies), Vincent del Rosario – president, Veronique del Rosario-Corpus – president ng VAA at si Valerie del Rosario , head ng Viva Production.

Marami naman ang nagulat sa pagdating sa contract-signing ni Heaven ng kanyang kapareha sa “The Rain in Espana” TV series at dati niyang kasamahan sa PBB house, ang Fil-Italian actor na si Marco Gallo.

Is there something special going on between the two? Bakit nga naman pupunta sa contract signing ni Heaven si Marco kung hindi espesyal ang turingan ng dalawa? Hiwalay na ba ang young actor sa kanyang Fil-Am girlfriend na si Rachel Hemphil?

Si Marco ay sandali ring naging kasintahan ni Juliana Gomez (unica hija ng actor-politician na si Richard Gomez at wife nitong mayor ng Ormoc City at dating kongresista na si Lucy Torres-Gomez) when they were both in their teens.

Sa teaser na ipinakita ng Viva One na may kinalaman sa university series na “The Rain in Espana” na pinamamahalaan ni Direk Theodore Boborol, nakita namin ang kakaibang chemistry ng dalawa na naging magkaibigan sa loob pa lamang ng PBB house.

Ayon kay Heaven, kumportable na umano siyang katrabaho si Marco at okey lamang sa kanya kung gagawin silang love-team ng Fil-Italian actor ng Viva kung saan sila pareho nakakontrata.

Ang Viva ang nagpasikat sa dating loveteam ng former sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre.

Mga pangyayari sa ‘Eat Bulaga’ inaabangan

JalosjosTVJMAY pagkakataon pa kayang maayos ang gusot sa mga namumuno ngayon ng TAPE, Inc. na producer ng longest-running noontime show on Philippines television and most probably in the world, ang “Eat Bulaga” na ang pillars ay ang Tito, Vic and Joey?

Matapos ang mga expose ng dating Senate President at isa sa mga original hosts ng “Eat Bulaga” na si Tito Sotto, siguradong jolted ang bagong management ng TAPE, Inc. na pinamumunuan ngayon ni Romeo `Jon-Jon’ Jalosjos, Jr. as president-CEO, na kung hindi kami nagkakamali ay dating position ni Tony Tuviera whom the new management allegedly retired from his position pero ginawa na lamang umanong consultant.

Although ang businessman at dating politician na si Romeo `Romy’ Jalosjos ang tumatayong chairman, ang TAPE, Inc., ang kumpanya ay nabuo matapos ipahahinga ang dating kumpanyang pag-aari at pinamunuan ni G. Jaloslos, ang Production Specialist, Inc. dahil sa pagkalugi umano.

Two years nang tumatakbo ang “Eat Bulaga” sa ere nang itatag ang TAPE, Inc. which stands for Television and Production Exponents, Inc. in 1981 at ito’y napalago sa ilalim ng pamumuno ni G. Tuviera for almost 43 years.

Sa July 30 ay 44th anniversary ng “Eat Bulaga”. Marami ang nag-aabang kung mananatili pa rin ang programa sa ere with the same cast and production people ngayong balak umanong i-retire ang TVJ at ibang hosts maging ang ibang production key people including the director and creative head who have been part of the show for years.

In his recent interview, inamin din ni dating senador Sotto na may utang umano ang TAPE, Inc. ng tig P30M plus kina Vic Sotto at Joey de Leon for 2022 alone.

Understandable ang pagkalugi ng programa during the peak of the pandemic in 2020 and 2021 pero nagluwag na nang husto ang health protocol in 2022 at unti-unti nang nakabawi ang programa laluna sa pagpasok ng mga politicial ads (which are considered seasonal) as early as 2021 until before the election in May 2022.

Ayon kay Tito Sen, TAPE, Inc. earned P400M plus in political ads alone. And this amount is on top sa mga regular ads revenue ng programa buwan-buwan. Saan umano ito napunta?

Sa exclusive na panayam kay Tito Sen ni Nelson Canlas, inamin din nito na pumayag umano silang tapyasan ng 10% across the board ang talent fees ng lahat hanggang totally makabawi nang husto ang programa.

May balak pa umanong i-retire silang tatlo nina Vic at Joey o di kaya tatlong beses na lamang sila lalabas sa programa. May plano pa umanong tanggalin ang ibang hosts at matitira lamang sina Jose Manalo, Jose Bayola at Allan K. na tiyak ding papalag dahil ang TVJ ang kanilang mentors.

“Eat Bulaga” is Tito, Vic & Joey na nagsimula sa programa na walang talent fee at kontrata na hindi alam kung sila’y makaka-survive pa in the next six months nung 1979.

The title alone ay pag-aari ni Joey de Leon habang ang theme song ay kinompos ni Vic Sotto.

Samantala, hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay magsalita na sina Vic at Joey.

With “Eat Bulaga!” as the flag carrier program ng TAPE, Inc. under the leadership of Mr. T (Tuviera), TAPE, Inc. has also produced other hit programs and TV series tulad ng “Heredero,” “Agila,” “Valiente,” “Kadenang Kristal,” “Mia Gracia,” “Rio del Mar,” “The Ryzza Mae Show,” at marami pang iba.

TAPE, Inc. also co-ventured and co-produced with other producers tulad ng CAN Productions ni Coney Reyes, M-Zet Productions ni Vic Sotto at Brightlight Productions ng businessman at dating politician nasi Albee Benitez tulad ng “Coney Reyes on Camera,” ‘Okey Ka, Fairy Ko,” “1 for 3,” “Daddy Di Do Du,” “Daisy Siete,” “Ful Haus,” “Sunday Pinasaya,” “Del Monte Kitchenomics” and “Love: Bosleng and Tali” at iba pa.

Tiyak na marami pang ibang development ang mangyayari sa susunod na mga araw.

In the meantime, nananatiling nakamasid ang publiko at mga manonood ng programa sa mga pagbabagong mangyayari sa longest-running noontime show.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE