Abalos3

Heart, Chiz, collagen mask at ‘pi’ video, benta sa netizens

April 1, 2025 Vinia Vivar 130 views

Ang daming naaliw sa TikTok video na ipinost ni Heart Evangelista kung saan ay makikitang kaswal silang nag-uusap ng asawang si Senate President Chiz Escudero.

Caption ni Heart sa screen, “POV Husband Thinks puro ako ganda.”

Mapapanood sa video na may nakasalpak na face mask sa mukha ni Heart at may hawak na mirror.

Tanong ni Sen. Chiz na boses lang ang naririnig at wala sa video, “Ba’t ka ba naka-mask? Umagang-umaga.”

Sagot ni Heart, “Love, I have a trip.”

Inulit ng mister ang tanong, “Ba’t ka ba naka-mask, ang aga-aga?”

Tugon naman ulit ng global fashion icon habang sinisipat pa rin ang sarili sa salamin, “May trip ako, nagpapaganda lang ako.”

Sabi naman ni Sen. Chiz, “Sinabi ko na sa ‘yo, hindi pwedeng puro ganda-ganda na lang.”

Katwiran naman ni Heart, “It’s part of my job.”

Kasunod nito ay hinamon ng aktres ang asawa.

“Ask me a nice question, kaya kong sagutin lahat,” hirit ni Heart.

Tanong naman ni SP Chiz, “Paano nakakaganda ‘yang ginagawa mo?”

Sabi naman ni Heart, “It’s collagen, it’s like a deep face mask.”

Hirit na tanong ulit ng senador, “Anong value ng ‘pi?’”

Napatigil si Heart. “Hayop naman. Pi?” balik-tanong niya.

Nag-isip siya at biglang sagot, “3.14159 and change of course.”

Napahagalpak ng tawa si Sen. Chiz.

Giit ni Heart, “Tama ‘yon, tama ‘yon. It’s true.”

Tawa pa rin nang tawa si Chiz at sey niya, “Sige itse-check ko na lang. Hindi ko rin alam,” sabay-halakhak ult.

In fairness, tama naman talaga ang sagot ni Heart.

Kaya caption pa ng aktres sa video, “‘Kala niya eh.”

Tawang-tawa naman ang netizens and at the same time ay bumilib kay Heart na natatandaan pa ang value ng ‘pi.’

AUTHOR PROFILE