Default Thumbnail

Ginang na nakakulong sinilbihan ng arrest warrant

November 27, 2021 Francis Naguit 268 views

TULOY na at siguradong swak na sa kulungan ang isang 50 anyos na ginang, makaraang isilbi ang kanyang warrant of arrest sa loob ng Manila City Jail (MCJ) sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila tanghali nitong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Evelyn Miguel, residente ng 14-A Victoria De Manila sa Taft Avenue, Malate.

Ayon sa ulat ni PLt. Col. Ramon Nazario, Commander ng Manila Police District (MPD)- Barbosa Police Station 14, bandang 11 ng tanghali, direktiba nitong iniutos ang pagsisilbi ng arrest warrant sa ginang sa loob ng Female Dormitory sa MCJ, dahil sa kasong paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, or Republic Act (RA) 8042 as amended by RA 10022.

Sa ulat ni P/EMS Vicente Mabborang, OIC ng Station Warrant Section, bitbit nila ang warrant of arrest na inisyu ni Jaime Santiago, Presiding Judge sa Manila Regional Trial Court Br. 3 at isinilbi nila ito kay Miguel na kasalukuyang nakakulong sa kaparehong kaso.

Walang namang inirekomendang piyansa ang korte laban sa suspek para sa kanyang pansamantala paglaya.

Ayon sa pulisya, si Miguel ay kabilang sa top 2 most wanted sa MPD. Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE