College student nagpatiwakal dahil umano sa ‘depression’

November 27, 2021 Francis Naguit 153 views

Posibleng “depression” ang sinasabing dahilan kung bakit nagawang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang sinturon na nylon ang isang estudyante, na nadiskubre ng kanyang tiyahin sa ikatlong palapag ng bahay sa Tondo, Manila umaga nitong Biyernes.

Base sa ulat ni PLt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 8:40 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima sa ika-3 palapag ng bahay sa Cavite St. sa Gagalangin, Tondo.

Salaysay ng tiyahin ng biktima sa tanggapan ni PLt. Col. Cenon Vargas, Commander ng MPD-Station 1, nakita nito ang kanyang pamangkin na nakabitin ang leeg gamit ang sinturon na nylon.

Siya rin umano ang nagsabing “depression” ang nagtulak para tapusin ang sariling buhay dahil palagi itong tahimik ng ilang araw

Gayunman, hindi pa tukoy kung ano ang naging motibo ng sinasabing depression upang maging ugat ng pagpapakamatay ng estudyante, habang inaalam kung may foul play sa insidente makaraang isailalim ito sa awtopsiya. Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE