Crime

Ginang dinamitan ng bala, patay

September 7, 2023 Jonjon Reyes 261 views

DEAD on Arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang 28-anyos na ginang matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang gunman , madaling araw nitong martes sa Simoun Street, Tondo, Manila.

Nakilala ang biktima na si Jan Marini Cruz,28, ng Simoun Street.

Patuloy ang manhunt operasyon sa suspek na armado ng baril. Nakasuot ito ng itim na jacket at naka sumbrero nang mangyari ang insidente.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Kevin Zuñiga kay Police Captain Dennis Turla , hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 5:45 a.m. nang pagbabarilin ang biktima sa tapat ng kanyang bahay

Ayon sa salaysay ng kaibigang babae ng biktima, nakita pa umano nito na bumaba ng kanyang bahay at may hawak na basura kasama ang kanyang anak na inihatid sa eskwela.

Makalipas ang ilang oras ay bigla na lamang silang nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril.

Agad naisugod ng mga kaanak ang biktima sa Tondo Medical Center, subalit dakong 6:32 ng umaga, nang ideklarang dead on arrival ito ni Dr.Ezexiel Evangelista.

AUTHOR PROFILE