Geneva in love uli, inspired sa concert

March 8, 2025 Aster Amoyo 340 views

Geneva1THERE were times na tinutukso ang singer-actress na si Geneva Cruz (48) sa kanyang dating kasamahan sa grupong Smokey Mountain, ang singer, actor, director, producer and chemical engineer na si Jeffrey Hidaldo dahil sa pagiging sobrang close ng dalawa but they both insisted na magkapatid at barkada lamang umano ang kanilang turingan sa isa’t isa but they have each other’s back kung kinakailangan. Hanggang ngayon kasi ay nananatiling single pa rin si Jeffrey at ayaw pa rin nitong mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya. Panay lamang ang ngiti nito kapag tinutukso silang dalawa ni Geneva.

Sa loob ng limang taon ay single si Geneva at masaya na umano siya sa kanyang buhay kasama ang kanyang youngest daughter na si London dahil ang kanyang panganay na si Heaven (sa kanyang ex-husband, ang Introvoyz frontman na si Paco Arespacochaga) ay binata na at nagta-trabaho sa Los Angeles, California, USA kung saan din naka-base ngayon si Paco with his new family. Bukod sa kanyang regular job, may talent din si Heaven bilang rapper at songwriter.

It was last year nang muling ma-in love si Geneva sa isang national athlete na si Dean Roxas na SEA Games gold medalist. Naging extra-special sa kanya ang nakaraang Christmas and New Year’s celebration dahil sa pagdating sa kanyang buhay ng bago niyang nobyo na malapit din sa anak niyang si London.

Si London ay anak ni Geneva sa kanyang ex-fiance, ang Filipino-Australian na si Lee Paulsen pero hindi na dumating sa kasalan ang kanilang relasyon at sila’y nagkahiwalay.

Hindi man natuloy ang kanilang kasal ni Lee, she considers London as another blessing sa kanya ng Diyos bukod sa kanyang panganay (kay Paco) na si Heaven.

When Geneva’s first marriage to Paco was annulled, muli siyang nag-asawa sa dating MTV VJ-turned actor-host na si KC Montero, ang nakababatang kapatid ng actor na si Troy Montero. But after several years ay nauwi rin ito sa hiwalayan but they remained friends hanggang ngayon at naging very close si KC sa panganay ni Gen na si Heaven and even considered him (KC) as his second father. Nanatili ring kaibigan ng singer-actress ang kanyang first husband na si Paco dahil na rin siguro sa kanilang anak na si Heaven.

Despite her age, Geneva can be mistaken to be in her `30s lamang dahil sa kanyang disiplina sa katawan. Regular pa rin siyang naggi-gym, swimming and she also runs na malaki rin ang naitutulong sa kanya when she performs on stage.

Sa darating na April 4 & 5, 2025 ay may two-night concert si Geneva sa Music Museum na pinamagatang “Gen Evolution” to be directed by Geneva’s best friend na si Jeffrey Hidaldo and produced by Geneva’s management company, ang ALV Talent Circuit and ALV Events International na pinamumunuan ni Arnold Vegafria.

Bukod sa mga hit songs ng Smokey Mountain at ni Geneva, she will be belting out numbers during her time hanggang sa bagong generation.

Wish ng mga fans ni Geneva at ng Smokey Mountain na sana’y maging special guests ang dating mga kasamahan ni Geneva sa grupo tulad nina Jeffrey Hidalgo, Tony Lambino at Jeffrey Coronel at magkaroon sila ng special number singing the hit songs ng Smokey Mountain na binuo nung 1989 ng National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab. The group made five top-selling albums bago sila na-disband para magkaroon ng kanilang respective solo careers.

Ivana 0inabulaanang may kanser

IvanaCHRISTMAS in March,” ito ang tawag ng mga dumalong entertainment media and vloggers sa lunch thanksgiving party na ipinatawag ng one of the most popular top vloggers and social media influencer, actress and entrepreneur na si Ivana Alawi na ginanap sa Vinta Modern Carinderia, Scout Borromeo in Quezon City.

Bukod sa masarap na pagkain, nagpaunlak sandali si Ivana ng brief Q&A sa mga dumalong entertainment media and vloggers dahil mas excited siya sa ipinamigay niyang pa-raffle na ang grand prize ay dalawang P50K kaya masaya ang mga dumalo.

Ivana is a multi-millionaire dahil sa kanyang pagiging isa sa mga top Filipino celebrity vlogger. Kahit mamigay siya ng P1M ay hindi niya ito iindahin dahil milyunes ang kanyang tinatanggap buwan-buwan sa kanyang YouTube channel alone.

Although na-surprise ang lahat sa pa-raffle ni Ivana, they all came dahil excited ang lahat na siya’y muling makita at makadaupang-palad.

Present siyempre ang manager ni Ivana na si Perry Lansigan at Star Magic executives na sina Thess Gubi at Allan Real. Thess hosted the party and Q&A.

During the Q&A, klinaro ni Ivana that she’s healthy at wala umano siyang cancer tulad ng mga napabalita earlier. Kagagaling lamang umano niya ng Amerika kung saan siya nag-relax at namasyal.

Although hindi pa niya nire-reveal ang kanyang non-showbiz boyfriend, ayaw niya umano itong i-drag dahil hindi umano ito taga-showbiz. Ang Importante ay masaya umano ang kanyang puso ngayon and they get along well maging sa kanyang pamilya.

Ivana is the most subscribed Filipino celebrity on YouTube.

Unknown to many, si Ivana ay kabilang sa reality talent show ng GMA nung 2015 but she only made it to the Top 22 but she was later signed-up by GMA Artist Center. But in 2018, she started appearing on ABS-CBN shows hanggang ngayon. Huli siyang napanood sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin nung isang taon.

Jellie babalik kay Jam?

PicPic1BUMIGAY kaya ang club DJ na si Jellie Aw sa panunuyo sa kanya ng kanyang (ex?) fiancé na si Jam Ignacio (ex-boyfriend ng singer, actress, host at politician na si Karla Estrada) na gustong makipagbalikan sa kanya?

Kung matatandaan pa, pinagbububugbog umano si Jellie sa loob ng sasakyan ni Jam nung gabi ng February 12, 2025 and two days later, on Valentine’s day ay nag-file ng reklamo sa tanggapan ng NBI si Jellie dahil sa ginawa sa kanya ng kanyang fiancé.

Hindi sinipot ni Jam ang summon sa kanya ng NBI at sa halip ay ipinadala nito ang kayang abogado. On February 19 ay nag-grant ng exclusive interview si Jam sa “24 Oras” ng GMA kung saan humingi ito ng kapatawaran sa kanyang fiancée at sa pamilya nito at nakikiusap din ito na bigyan ng panibagong pagkakataon na ituloy ang kanilang planong pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling pamilya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and”INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE