
Gas tataas ng P2.20/litro, krudo P1.40/litro
DAHIL tungkol sa kalbaryo ang Mahal na Araw, Martes pa lang kalbaryo na sa mas mahal na presyo ng gasolina at krudo ang sasalubong sa mga Pinoy.
Sa abiso Petron, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Seaoil Philippines at Flying V, inihayag nila ang pagtataas ng presyo ng kanilang produktong gasolina ng P2.20 kada litro, diesel ng P1.40 kada litro at gaas ng P1.30 kada litro simula ng alas-6:00 ng umaga ng Martes.
Nagpahayag din ng price increase ang PTT Philippines, Unioil, Petro Gazz, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum simula alas-6:00 din ng umaga ng Martes.
Wala pang abiso ang mga maliliit na kompanya ng langis bagama’t inaasahan na rin na susunod ang karamihan sa kanila sa malakihang pagtataas ng halaga ng gasolina at krudo.