
Francisco nagsagawa ng random inspection, drug test
NAGSAGAWA si PBGen. Leo M. Francisco, District Director ng Manila Police District (MPD), kasama ang ilang command group ng random inspection sa Maynila.
Alinsunod sa kautusan ni PNP Chief. Police General Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar at Regional Director NCRPO Chief. Maj. General Vicente D, Danao Jr., sinabi ni Gen. Francisco na papanatiliin niyang malinis, malusog, maayos at kapaki-pakinabang ang lahat ng station sa lungsod.
Ayon pa kay Gen. Francisco, nagsimula ng random inspection noong nakaraang lingo sa PS-11 Mesic police station at Barbosa Police Station 14 sa Quiapo.
Nakitang maayos at walang problema ang pamumuno nina Capoquian sa PS-11 at LT. Col. Nazario sa Station 14.
Araw ng Martes, Sept.1, ay nagtungo si General Paco MPD Station 7 na nasa pamumuno ni PLt. Col. Harry Lorenzo sa Abad Santos, Tondo, Manila.
Nakitang maayos ang kapaligiran ng Jose Abad Santos Police Station. Ito ay malinis,mapayapa at maaliwalas.
“We have 14 stations sa Manila Police District sa Lungsod ng Maynila. Lahat ng ito ay ginagawa namin sa lahat ng oras sa Maynila. Lahat tayo ay nasa MECQ status, kaya dapat tayo ay sumunod sa lahat ng pinag uutos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions (IATF),” ani PBGen. Francisco. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES